Sa ginanap na pag bisita ng mga LGU at ilang ahensya ng pamahalaan sa Brgy. Aya Talisay Batangas, ika 24 ng Hunyo, dakong alas 10 ng umaga ay upang alamin ang kalagayan ng mga mangingisdang naroon. Pinangunahan ni Mayor Zenaida Mendoza ang pagpupulong kung saan ninais niyang tulungan ang mga maliliit na mangingisda dahil na rin sa apekto ng Fish kill sa kanyang nasasakupan. Nagbigay tulong para sa mga maliliit na mangingisda ang (RDC4A) Regional Development Council kung saan nagbigay sila sa Kilusan ng mga Maliliit na Mangingisda sa Lawa ng Taal ng halagang 25,000 upang makatulong sa mga ito. Sabay-sabay ngang pinatunayan ng mga ahensiya at ni Mayor Mendoza na ligtas ng kainin ang isda sa Lawa ng Taal kung kaya’t nagkaroon ng boodle fight sa inihaing 300 inihaw na bangus at tilapia na iba’t iba ang luto. Nanawagan din si Mayor Mendoza “ na tangkilikin muli ang isda ng Lawa ng Taal upang manumbalik ang sigla at matulungan ang mga mangingisda na alam naman nating ito ang kanilang ikinabubuhay” Kasama sa salu-salong naganap ay ang ahensiya ng iba’t ibang pamahalaan tulad ng BFAR, DWSD, PIA, OCD, DSWD at PSR. // Arlene P. Mariposque