Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SAN PABLEÑO, PANALO SA ‘ORGANIC FERTILIZER PREPARATION CONTEST’

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

SAN PABLO CITY, Laguna -- Nagwagi si Jonjon L. Bumagat, mula sa lunsod na ito, sa isinagawang Organic Fertilizer Preparation Contest kamakailan na pinamahalaan ng Agricultural Training Institute Region IV-A ng Kagawaran ng Pagsasaka.

Ang pantimpalak ay bahagi ng High Value Commercial Crop Development Program ng Kagawaran kung saan ang mga kalahok ay inatasan na magsagawa sa pamamagitan ng aktuwal na demo gamit ang wikang Ingles bilang medium ng pagpapaliwanag sa paggawa ng bio-organic fertilizer gamit ang epektibong micro-organism technology kung saan vermicomposting ang ginamit na pamamaraan ni Bumagat.

Matatandaan na ang vermicomposting ay gumagamit ng mga bulate upang gawing organic waste na siyang nagiging isang uri ng mataas na kalidad na compost. Ikinukunsidera din na isa ito sa mabisang paraan upang maging compost ang mga tirang pagkain sa kusina.(CPG/CIO SPC/PIA-ACO)//Arlene P. Mariposque



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER