Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MAS KALIDAD AT MURANG GAMIT PANG ESKWELA AYON SA DTI

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sa simula ng pagbubukas ng eskwela sa lahat ng dako ng Pilipinas sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Huwebes Hunyo 9 na kahit mura ang presyo ng mga gamit pang eskwela ay dekalidad naman ito kung kaya’t walang dahilan upang mag alala ang mga mamimili. Sa isinagawang talakayan ng Communication and News Exchange (CNEX) at ng  Philippine Information Agency (PIA)  sa Quezon City, sinabi ni DTI Secretary Gregory L. Domingo na may kaildad para sa mga mamimili ang naturang mga gamit pang eskwela.

Sinabi ni DTI Secretary Gregory L. Domingo “Nagsasagawa kami ng weekly monitoring sa mga stalls na nagbebenta ng school supplies lalong lalo na sa Divisoria upang masiguro na protektado ang mga consumers sa presyo at kalidad ng mga paninda” Kagaya ng mga krayola na pinapasuri pa ito sa Food and Drug Administration (FDA) at sa  Department of Health (DOH) upang ang produkto ay hindi nakakasama sa kalusugan ng mga bata at hindi nakakalason. At sinisiguro nilang ito ay may label na “non-toxic prior to being released in the market”, dag-dag pa ni Domingo.

Bukod sa pagmomonitor ng DTI ay nagsasagawa pa sila ng inspeksyon sa mga tindahan upang tiyaking ligtas ang mga tao sa kanilang binibili. Sinasagawa ng DTI ito ayon sa kalidad ng gamit pang eskwela  Consumer Act of the Philippines or RA No. 7394 kung saan dapat nakasulat sa mga bibilhin ang pangalan kung saan ito gawa, sukat ng produkto at toxicity warning at kung paano ito gamitin. Sinabi pa ni DTI Domingo nagsagawa sila ng inspeksyon noong Lunes Hunyo 6 ay tumaas ng bahagya ang presyo kumpara noong nakaraang buwan dahil nga sa magbubukas na ang klase sinabi pa niya na “Tumaas ng kaunti ang presyo ngunit mura pa rin naman” Dumating sa pagpupluong sina  PIA Director General Atty. Jose A. Fabia, PIA Deputy Director General Virgilio D. Galvez at Board of Investments Executive Director Efren Leaño. // Arlene P. Mariposque

 



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER