Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

NATATANGING LIHAM KAUGNAY SA APAT NA LALAKING NAWAWALA SA CALAMBA !!!

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 


Matatandaan na napabalita ang apat na lalaking nawawala na sina Allan M. Atienza  31 taong-gulang, Brgy. Parian, Kates Flores 29 taong-gulang, Brgy. Parian at John Jorge Flores 28 taong-gulang taga Brgy. Lawa  Calamba City at Si Percy Abinal 27 taong-gulang nakatira sa St. Augustine Vill. Lawa Calamba City.  
Nawala sila habang nagbebenta ng motor at may sinasabing katransaksyon nuong gabi ng Mayo 11 hanggang sa kasulukuyan ay di pa sila bumabalik.  Nitong June 4 madaling araw ay may nag iwan sa traysikel ng ama nitong si Kates Flores ng isang liham na ang apat, ayon sa liham, ay nakabaon sa Brgy. Bunggo sa tabi ng malaking puno ng mangga at santol. Sinabi pa niya na ang naturang mga motor ay ipinabago na ng mga carnaper na kumuha sa apat na nawawala. Anumang impormasyon ay ipagbigay alam agad sa pulisya. Nais lamang nga kaanak na kahit bangkay ng mga ito ay makuha at maipalibing nga maayos. Nagpunta ang kaanak ng mga biktima sa Brgy. Bunggo Calamba City upang humingi ng tulong doon, bagamat malawak ang paghahanapan ay walang atubiling tumutulong ang Calamba Police, Opisyal ng Barangay ng Bunggo, at iba pa upang matunton ang kinalalagyan ng apat. Ang pagbabakasakali ng mga kaanak ng  biktima ay sanay matagpuan na nila ang mga ito. Humingi pa rin ng tulong ang mga kaanak sa ating mga kapulisan, mga namumuno sa ating pamahalaan na sana’y maawa na at tulungan silang maghanap sa bangkay ng apat kung ito ay nasa Brgy. Bunggo.  Awa at habag na ang pinaabot ng kaanak na kahit k9 na aso baka sakali makita ang labi ng kanilang kaaanak na sa June 11 ay mag iisang buwan na. Dasal na lang ang ginagawa nila sa araw-araw upang kahit man lang sa pamamagitan ng ganitong balita ay matulungan man lang sila.-- AbsCalamba

 

 

 

RELATED ARTICLE:

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER