PAGBABAWAL NA PANINIGARILYO SA PAMPUBLIKONG MGA LUGAR NARARAPAT LAMANG !!!
Ilang mga bayan dito sa CALABARZON ang naghahain ng mungkahing isabatas ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ito ay sa kadahilanang dumarami ang kaso ng mga nagkakasakit at namamatay sanhi ng paninigarilyo. Isang misyon lamang ito sa mga nakaupo ngayon sa ating pamahalaan na magkaroon ng isang ordinansa sa Anti-smoking upang magkaroon sila ng mga lugar kung saan pede naman silang manigarilyo.Nagiging bunsod din ito ng paglala ng polusyon sa ating bansa. Kapag naaprubahan ito ay malaking tulong ito sa ating bansa, inaasahan naman na agarang aksyunan ito ng ating pamahalaan , kung maisasabatas ito ang sinuman ay papatawan ng karampatang kaparusahan ang bawat lalabag. Sa Batangas sa tulong ni Konsehal Narciso Macarandang ay isa sa inihain niya ang pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, sa kasalukuyan ay ipinatutupad na sa lungsod ang Anti-Smoking ordinance mula pa noong 1994 kung saan mayroon lamang mga piling lugar na bawal ang manigarilyo. Ilan dito ay ang mga establisyimentong may nakalagay na "No Smoking Area" kung saan magmumulta ng P500 ang mahuhuling lumabag o kaya ay makukulong ng mula 2 hanggang 30 araw. Sana maging halimbawa ito sa alin mang lugar upang makaiwas sa sakit na dulot ng sigarilyo. // Arlene P.Mariposque
Last Updated on Tuesday, 07 June 2011 03:56