Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PITONG BAYAN SA PALIGID NG TAAL LAKE, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY SANHI NG FISHKILL !!!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

BATANGAS CITY, June 3 -- Sanhi ng malawakang fishkill na nangyari sa iba't-ibang bayan sa paligid ng lawa ng Taal, hiniling na isailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncilo, San Nicolas, Alitagtag, Cuenca at Sta. teresita, base sa resolusyon na iniakda ni 3rd District Board Member Alfredo Corona.

Ang hakbang bunsod ng napakalaking pinsalang dulot ng nangyaring fishkill sa lawa kung saan may mahigit 1,000 tonelada na ng isda ang namatay sanhi ng pagbaba ng oxygen level ng tubig sa naturang lawa.

Nagkaisa namang inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing resolusyon sa pangunguna ni Vice Governor Marc Leviste kung saan inihayag nito ang P10M na bahagi ng P100M calamity fund ng lalawigan ay ibibigay na tulong sa mga apektado ng nasabing fishkill.

Binigyang-diin din ng Pangalawang Punong lalawigan na hindi nagpapabaya ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong bayan. Aniya, simula pa lamang mangyari ang unang insidente ng fishkill ay kaagad kumilos ang kanilang pamunuan upang magpadala ng mga tao at kagamitan para sa disposal ng mga namatay na isda. (MPDC/PIA).  Arlene P. Marposque