Calamba City-- Ilang araw na nating napapanood at naipalalabas sa telebisyon ang nangyaring Fish kill sa Batangas at Pangasinan. Ilang tindera ng isda ang nagrereklamo na dahil sa tumal ng kanilang negosyp gayong hindi kasama ang mga ibang isda. Ayon kay DENR Regional Director Hon. Elmer Talavera, nagkukulang sa mga impormasyon ang ibang mga kababayan natin dahil sa takot na maging biktima ng sakit na dala ng mga namatay na isda, kung kaya’t maigting pa rin nilang pinababantayan ang mga pamilihan sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan. Sinabi din niya na kung may mga kahina-hinalang nagtitinda o nagbabagsak ng mga botchang isda ay ipagbigay alam agad sa lokal na pamahalaan. Malaki pa rin ang problemang dulot ng fish kill dahil hanggang ngayon ay marami pa ring namamatay na isda doon sa lawa ng Batangas. // Arlene P. Mariposque