San Pablo City, Laguna – Ika-29 ng buwan ng Mayo dakong ika-anim ng umaga ay isang babae ang natagpuang patay sa isang plantasyon ng buko. May tama ng baril sa ulo at nakatali ang braso at ulo nito ng packaging tape. Nakasuot ito ng kulay asul na t-shirt at kulay brown na short. Tinatayang nasa edad itong 18-20 at nasa humigit 5’1 ang taas.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP San Pablo ang naturang kaso at nananawagan na kung sinoman ang may impormasyon sa krimeng ito ay makipag-ugnayan sa estasyon ng pulisya.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph