May 20,2011--- Sa pamamagitan ng isinagawang Buy-Bust Operation nang City Intel Operatives sa Lungsod nang Calamba na pinangunahan ni PSI FRANCISCO S. BARCALA sa ilalim ng PDEA, bandang 10:40 ng gabi ay nahuli ang dalawang lalaki na kinilalang sina Edwin Chavez Yankee Cadalzo alyas “Edwin” at Ernesto Coligado Yankee Tuano alyas “Ebok” at si Marites Costuna-Coligado alyas “Te” ng Brgy.Mayapa Calamba City. Ang mga akusado ay nakuhanan ng isang balot nang hinihinalang droga, 3 piraso ng isang daang piso na ginamit ng mga operatiba bilang Buy-Bust Money, isang improvised Bamboo Twissor, at dalawang piraso nang Disposal Lightersand.
Ang mga nakumpiska ay dinala sa Regional Crime Laboratory upang sumailalim sa Laboratory Investigation. Samantalang ang mga akusado ay pansamantalang nakakulong sa istasyon ng pulisiya ng Calamba para sa pagpapatuloy nang imbestigasyon.---Submitted by S. J. Lagandaon