PULIS INAKUSAHANG NAGPAPUTOK NG BARIL
May 22, 2011---Tatlong residente ng Barangay Mayapa ang dumulog sa istasyon ng pulisiya upang ireklamo si SPO2 Digno dahil sa diumano ay pagpapaputok nito ng baril sa Barangay Mapagong. Bagamat walang nakuhang baril sa akusado, dinala si SPO2 Digno sa PNP Crime Laboratory sa Camp Vicente Lim upang sumailalim sa Paraffin Test.
VIDEO KARERA MACHINE KUMPISKADO
May 22, 2011---Isang Anti-Illegal Gambling Operation ang isinagawa ng mga operatiba ng PNP Calamba bunsod ng reklamo ng isang concerned citizen hinggil sa pasugalan sa Calamba. Nakumpiska ang pitong slot machine, anim na fruit game machine at isang video karera machine na pagmamay-ari ng isang nagngangalang "Nato" at isang nagngangalang "Tita". Ang operasyon ay pinangunahan ni
PSI FRANCISCO S. BARCALA sa ilalim ng superbisyon ni PSUPT. JOEL CUATON PERNITO.
TRUCK NG ALAK, NABIKTIMA NG HI-JACK
May 23, 2011/Barangay Tulo, Calamba City--- Bandang 2:30 nang madaling araw, habang nakahimpil ang isang truck na kargado ng bote ng alak sa Warehouse ng La Tondeña sa Barangay Tulo ay pinasok ito ng tatlong hindi kilalang lalaki. Ang driver kasama ang helper at mismong may-ari ng truck ay tinutukan ng patalim at baril at puwersahang inilipat sa likurang bahagi ng truck, tinalian ang mga kamay at tinakpan ang mata at bibig. Ayon pa sa mga biktima, inilipat sila ng sasakyan ay itinapon sa Silang, Cavite habang tinangay naman ang truck at ang karga nito. Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng imbestigasyon ng mga pulis ang naturang kaso.---Submitted by S.J. Lagandaon

Last Updated on Tuesday, 24 May 2011 08:30