Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Palarong Pambansa sa Laguna na Gaganapin !!!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

SANTA CRUZ, Laguna, Sinasabi nga na ang darating na 2012 ay pinahayag ni Gov.Joerge “E.R.” Ejercito-Estregan, sa kaniyang lingguhang pag-uulat sa mga kawani ng Provincial Capitol, na pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang pagdaraos ng 2012 Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Sa katatapos na Palarong Pambansa na ginanap sa Dapitan, Zamboanga City, napagkasunduan sa pagpupulong dito na ang lalawigan ng Laguna ang napisil na pagdausan ng palarong pambansa sa susunod na taon

Sinabi ng Gobernador, kaniya nang pinasimulan ang paglalagay ng gymnasium at paggawa ng quarters sa bagong San Luis Sports Complex para sa mga manlalaro na magmumula pa sa iba't ibang lalawigan.

Ayon pa rin sa Lokal na Punong Ehekutibo, gagawin niyang makulay at grandiyoso ang presentasyon ng delegasyon ng Laguna pagsapit ng okasyong ito.

Matatandaan na nag back to back over-all champion ang team ng Laguna sa ginanap na STACAA sa Lucena City at makopo ang over-all standings sa swimming at ilang ball games sa katatapos na Palarong Pambansa sa Dapitan sa Zamboanga City. PIA4A Alan Ortillano // Arlene P. Mariposque