Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUSPEK SA PANGHOHOLDAP SA BANKO SA BATANGAS NASAKOTE!!!

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

BATANGAS -  Kinilala  nga ang mga  suspek ng isang nakakita sa kanila nang tangayin nila ang  (P400,000 ) apat na daang libong piso mula sa  Rural bank sa  Sto. Tomas noong huwebes ng umaga May 12.Sinabi ni Police Chief Superintendent Nilo Maitim, nakilala ang mga suspek ng mga empleyado ng naturang banko. Kinilala ang mga suspek na sina Ernesto Mejas, Juanito Saliva at Santie Panuelos, naninirahan sa Barangay 7, Tanauan City , Batangas.


Sinabi pa ni Superintendent Raul Tacaca, Hepe ng  Provincial Investigation Detective Management Branch, na ang mga suspek ay hindi miyembro ng mga naiulat na grupo ng sindikato sa Batangas.“Mukhang mga bagito itong mga suspek dahil hindi naman sila identified sa mga notorious na mga robbery-holdup gang na nag-ooperate dito sa Batangas,"  Base sa record ng pulisya  sina,Mejas, Saliva at Panuelos ay may nakapending na kaso ng panghoholdap sa  Tanauan City .
Ang tatlo (3) pinaghahanap ng mga pulisya at naging suspek sa holdapang nangyari sa  Rural Bank of Lobo sa  Barangay 4 Poblacion in Sto. Tomas town noong huwebes.


Ang suspek ay dumating sa banko  na sakay ng isang Hyundai Grace van dakong 11:45 umaga at bigla na lamang nitong tinutukan ang mga nandoon maging ang dalawang depositor na pinayuko nila.  Matapos makuha ang mga pera sa banko ang mga biktima ay ikinulong  sa vault bago tumakas.
Sinabi ng Bank manager Renato Lubid  nag aayos siya ng gamit ng biglang pumasojk ang tatlo at sumigaw nga ng holdap na ikinagulat niya.  Sinabi kay  ng mga suspek Lubid "Kung ayaw mong sumabog ang ulo mo mabuti pang buksan mo ang vault.” Buti na lang isang kliyente ang di sinasadyang nakapag lagay ng phone sa kanyanng bag bago isara at ipasok sila sa vault.

Ang mga inilock sa vault ay sina Lubid; Catherine Salubre, kahera; Michelle Villaflores and Nancy Lucero, bookkeepers; Efren Basila, security guard; Diory Gravino, bank collector at depositors Angelina Gonzaga at Kristel Medel.

Sinabi ni Medel sa kanyang biyaena na si Angelina na mag text na sa  Sto. Tomas police station at  sa asawa ni  Medel na tuma wag ng ng pulis. Inabot sila ng 2 oras sa vault bago sila nakalabas. Nabuksan ang vault nung tumawag ang bank manager sa kanilang upisina at nagpadala ng alam ang kumbinasyon nito.  “ Binutas na ng mga pulis yung wall ng vault namin para may makapasok na hangin at hindi kami ma-suffocate” sabi pa ni Lubid. Napag alaman  di gumana ng mga oras nay un ang CCTV at alarm ng banko. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong panghoholdap.  // Arlene P. Mariposque