Calamba, City - Dakong alas 9:35 ng umaga noong May 10, 2011 ang biktimang si Arnel Perez y Buendia,26 taong-gulang, binata at isang Production Operator sa Yazaki torres, na pansamantalang naninirahan sa isang paupahan sa Purok 4 Brgy. Makiling Calamba City. Isang tawag sa telepono ang natanggap ng duty nuong umagang iyon na si PO3 Alan Casalme Maunahan na agad-agad itong nirespondehan ni PO3 Alaindelon Montoya Ignacio na siyang pumunta upang magsagawa ng imbestigasyon. Base sa imbestigasyon ang biktima na si Arnel ay naninirahan sa Brgy. Makiling kasama ang kanyang kasintahan na si Rosebell Orlina y Garcia, 23 taong-gulang, Production Operator din sa Yazaki Torres . Nakita ang biktimang si Arnel sa loob ng kanilang banyo kung saan ginising pa itong si Rosebell ng kanilang tagapag bantay sa paupahan. Duon nila nakitang ang duguang katawan ni Arnel na may hawak itong cali.38 nasa kaliwang bahagi ng biktima at may tama ito sa kaniyang dibdib at may lima pa itong iniwang mensahe sa text na natanggap mismo ng kanyang kasintahan na nagsasabing ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay ay dahil sa problema sa kanyang tarabaho. Ang labi ng biktima ay dinala sa Nazareno Funeral Homes upang iautopsiya. // Arlene P. Mariposque