Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Bodyguard ni Congressman Timmy Chipeco Nanutok ng Baril

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Isang menor de edad ang tinutukan ng baril ni Peping Almario ng Barangay Lamesa, bodyguard ni Cong. Timmy Chipeco. Kinse anyos na lalaki taga Villa de Calamba ang dumulog sa police station na si John (di tunay na pangalan) kasama ang kanyang mga magulang upang magsampa ng reklamo.

 

Noong nakaraang lingo May 1, 2011, isang liga ng basketball ang isinasagawa sa Brgy. Lamesa ng biglang nagkainitan diumano at dahil sa init ng ulo ni Almario sinakal nito sa leeg ang binatang si John at tinutukan ng baril sa ulo. Dahil sa pangyayari nag-alisan ang mga tao at di na natuloy ang kanilang opening ng SK Liga ng basketball.  Nitong May 3, 2011 agad na pinuntahan ni Almario ang sinasabing reklamo sa kanya sa Women and Children Protection Unit sa Police Station ng Calamba upang alamin.

 

Ang pamilya ng biktima ay dumulog kay Mayor Jun Chipeco upang humingi ng tulong.  Sila naman ay agad na pinulong upang di na ito lumaki pa at pag-usapan at upang proteksyonan ang pangalan ng nasasangkot lalo na ang isang menor de edad.  Ayon sa pamilya ni John ay naareglo na ang usaping ito at ayaw na nila ng ano pa mang gulo.---Submitted by: Abs Calamba



Disclaimer: This article/new report is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph