Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Pumatay sa may-ari ng Junkshop, Arestado ng Pulisya

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Naaresto ng mga tauhan ng warrant section at Intelligence pulis sa kanyang pinagtataguan sa  Brgy. Sampiruhan ang suspek sa pamamaril sa may ari ng Junkshop sa mismong tahanan nito sa Brgy. Parian Lungsod ng Calamba. Kinilala ni Laguna Provincial Director P/SSupt. Gilberto dc Cruz ang suspek ay si Emilito de Luna y Arnais alyas Aba 36 anyos may asawa at walang hanap buhay at pansamantalang  nakatira sa Brgy. Sampiruhan ng nasabing Lungsod.

Ang pag aresto sa suspek ay batay sa ipinalalabas na warrant of arrest ni Hon. Judge Whilhelmina B. Jorge Wagan ng RTC branch 34 ng Calamba City sa kasong murder na may criminal case number 18167-11-C at walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Matatandaan na si Victor Pastrana Y Magdael ay malapitang pinagbababaril dakong 6:50 ng hapon  noong Nobyembre 11, 2010, gamit ang isang kalibre 45 baril at matapos nito ay mabilis na tumakas lulan sa mag-aantay na motorsiklo sa labas. Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya lumilitaw na ang suspek na si Emilio de Luna ay miyembro pa ng sindikato ng Gun for Hire at nahaharap na rin ito sa patong-patong na kaso sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay  P/SSupt. Gilberto dc Cruz Laguna Provincial Director ang pagkakaaresto sa suspek ay malaking bagay dahil nababawasan na ang sangkot sa Gun for Hire sa lalawigan at patuloy ang kanyang kampanya laban sa mga kriminal sa lalawigan upang masigurado ang kaligtasan ng  mga mamamayan. // Arlene P. Mariposque