Cabuyao, Laguna – Nadakip nga nitong May 3, 2011 , dakong alas 5 ng hapon ang suspek sa pagpatay ng mag amang Laura Go Jr. at Mark Jefferson Go, 14 taong-gulang. Sa ginawang operasyon ng Laguna CIDT sa pamumuno ni PCI Freddie Dante ang dalawang suspek na matagal ng pinaghahanap ng batas ay nahuli sa Brgy. San Isidro Cabuyao, Laguna. Naganap ang pangyayari sa 484 PNR Station Site, Calamba City kung saan ang biktima ay pinagsasaksak ng mga suspek noong October 7, 2006. Ang mag-ama ay sinugod pa sa malapit na ospital ngunit sinasabing patay na rin ang mga ito dahil sa tinamong maraming saksak na naging sanhi ng kanilang pagkamatay . Ang mga suspek na kinilalang magkapatid na sina Hilacio Mercado at Renato Mercado na pawang taga Brgy. Banlic Calamba City, Laguna.
Napag- alamang maraming saksi sa ginawang krimen ng magkapatid na siyang pumatay sa mag-amang Go. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong double murder 4JR, Br 34, Calamba City, Laguna under Criminal Case bilang 15845-2008-C at walang kaukulang piyansa. Matatandaang ang mga suspek ay limang taon nang pinaghahanap ng mga kapulisan at nagtago diumano ito. Sinasabing ang mga suspek diumano ay may kinalaman pa sa mga patayan na nagaganap sa Bicol at iba pang karatig lugar.
Sinabi ni Mrs. Rowena Go asawa ni Lauro Go, na nagpapasalamat siya at kahit sa tagal ng panahon niyang naghahanap ng katarungan ito ay napasakamay din ng CIDG PRO4A. Kung kaya’t sinabi pa niya na ang pagdarasal at pagpapanatili ng lakas ng loob na lang ang kanyang naging sandata. // Arlene P. Mariposque