Tinatayang nasa 2 milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na nangyari sa Katrina Tan Apartment sa Rosal Street, Barangay Uno, Calamba City nitong ika-29 ng Abril. Ayon sa City Fire Department, nagsimula ang sunog bandang ika-sampu at kalahati ng gabi at tumagal ng mahigit isang oras. Agad namang nakontrola ng mga bumbero ang sitwasyon. Wala namang naiulat na nasawi at diumano ay nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng apartment at isang kandilang naiwan ang sinasabing pinagmulan ng apoy. Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng imbestigasyon ang nangyaring sunog.
