Nagsagawa ng isang pagbubukas ng bagong Munisipyo para sa ating mga kapulisan sa Tuy Batangas, April 15, 2011 at benindisyunan ito ni Rev. Fr. Federico A. Magboo Kura Paroko ng Parokya ng St. Vincent Ferrer. Nagsimula ang pagdiriwang sa ganap na alas nuebe ng umaga. Pinangunahan ito ng isang dasal sa pamumuno ni PCINSP Jose Coz, OIC Tuy MPS, nagbigay din ng pahayag si Pssupt. Alberto Supapo Provincial Director. Naroon at nakilahok si Mayor Jose Jecerell Cerrado kasama niya ang buong sangguniang panglunsod at mga kapitan ng naturang bayan. Naroon din at nakiisa si Police Director General Chief, PNP Atty. Raul M. Bacalzo at ang bagong Regional Director CALABARZON Police Chief Superintendent Atty. Gil C. Meneses. Binigyang diin ni Bacalzo ang kalagayan ng mga kapulisan, nais niyang magkaroon ng tamang sahod, sapat at may matirhan na sariling bahay ang mga pulis. Nais din niyang magtayo pa ng mas maayos na mga gusali para sa mga kapulisan nating di napapansin ng pamahalaan ang kanilang kalagayan kung kaya’t nasa 18 gusali ang kasalukuyang ipinagagawa ni Gen. Bacalzo bukod pa ang unahin ang kaulusugan nila. Sinabi naman ni RD Meneses na pag iigitingin pa niya ang pagbabantay kontra sa mga masasamang loob kung kayat sa darating na Semana santa ay may mga kapulisan na tutulong sa mga daan upang kung sakali ay may mahingan ng tulong. // Arlene P. Mariposque