Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

5 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

Los Baños, Laguna--Isang malagim na umaga ng Lunes sa San Antonio Road nang limang buhay ang nawala sa isang aksidente.  Batay sa report, minamaneho ni Francis delos Reyes ang isang motorsiklo at may isang angkas na kaibigan. Napag-alaman na galing ang mga biktima sa LB Square kasama ng mga kabigan kaya nakainom bago umuwi sa Bay, Laguna.  Ayon sa saksi, matulin ang takbo ng motorsiklo at iniwasan nila ang isang pampasaherong bus ngunit may kasalubong din silang isang motorsiklo. Nagkabangaan ang dalawang motorsiklo na parehong may mga angkas.  Tumilapon ang apat sa lakas ng impact ng banggaan. Dead-on-the-spot si delos Reyes samantalang sa ospital nasawi ang tatlo pang iba habang ginagamot sa ospital.  Isa ring by-stander ang nahagip ng natumbang motor at nasawi rin sa aksidente.  Hind pa tukoy kung sino ang dapat managot sa malagim na aksidente.  Si delos Reyes ay bagong Dentistry Graduate ng University of Perpetual Help-Biñan.