Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Nadepressed daw kaya namaril at nanaga ng kamag anak!!!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

San Pedro, Laguna ---  Nagwala, nanaga at nagpaputok pa ng baril ang isang suspek dito sa San Pedro, Laguna dakong alas 11 ng umaga kamakailan Marso 22, 2011 sa may Lanete St., Calendola Village, Brgy Calendola, San Pedro, Laguna. Ayon kay PSSUPT. GILBERTO DC CRUZ, Laguna Police Director at  PSUPT.  RAMON RAMIREZ, COP San Pedro MPS ang mga biktima nito na sinasabing anak at kapatid nitong panganay ay nagtamo ng sugat dahil sa pagkakataga sa kanila gamit ng suspek ang bolo nito. Kung kayat dinala agad ang mga biktima sa  Amante Emergency Hospital. Dahil sa pangyayari agad na nirespondehan ng  MPS San Pedro sa pangunguna ni LPPSC PINSP.  VALDEZ  at PSI JAIEM PEDERIO SR na iniulat nga na ang suspek  ay may dalang baril tinangka pa ng mga kapulisan na na makipagnegotiate sa suspek dakong ala 3:00 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon  subalit lalo pa itong nagwala,  binaril ng suspek si  PO2 MAMALES sa mukha kung saan ito ay nasa isang  lugar upang itong suspek ay kalmahin.  Kung kayat wala nang nagawa ang mga pulis kundi ito ay barilin. Dahil sa tinamong sugat ay dinala  si Mamales sa Perpetual Help Hospital dahil sa tama ng baril sa kanyang mukha.   Ang suspek na kinilalang si  NORVY FERNANDO y SANTILLAN, 31 taong-gulang  at may asawa at nakatira sa Blk 17, Lot 16, Lanete St., Calendola Village, Brgy Calendola, San Pedro, Laguna  Ang suspek ay dinala sa Family Care Hospital, Pacita Complex, Brgy San Vicente, San Pedro, Laguna at dineklara nga itong patay na.


Ang biktima na sina  NORBERTO FERNANDO y YIM, 53 taong gulang, may asawa  at nakatira sa  Blk 17, Lot 16, Lanete St., Calendola Village, Brgy Calendola, San Pedro, Laguna; at PO2 Rodel B.  Mamales ng San Pedro MPS, San Pedro, Laguna.  Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang  isang Smith at Wesson  357 bearing serial nr 29345 with a live ammo at dalawang  (2) spent cartridges in its chamber at iba pang basyo ng baril.  Ang labi ng suspek ay dinala SOCO Operatives para iautopsy at sa Paraffin Examination. // Arlene P. Mariposque