Naaresto nga nitong Marso 16, 2011 dakong alas tres ng madaling araw sa may Brgy. Bucal, Sariaya, Quezon ang No.1 Most wanted ng Quezon na kinilalang si Jenmar Gollena y Garilao, 36 taong gulang. Sa bisa ng warrant of arrest na ibinigay ni Hon. Judge Bienvinido A. Mapale ng RTC Branch 55, Lucena City sa kasong pagpatay under Criminal Case No. 2006-815 . Nahuli nga ang suspek sa tulong ng elemento ng RCIDU 4A na pinangunahan ni PCINSP. Jay C. Dimaandal , Field Officer ng Quezon CIDT , at Regional Chief Pssupt.T Edwin Jose G. Nemenzo, PhD/CESE, Ang suspek ay dinala saCIDG 4A-Regional Criminal Investigation at Detection Unit sa Camp Vicente Lim Canlubang Calamba City . // Arlene P. Mariposque