Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PEKENG PRODUKTO NG “KOPIKO” NAKUMPISKA NG CIDG –CALABARZON

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Nakumpiska nga ng CIDG CALABARZON kamakailan Marso 18, 2011 dakong alas 7 ng umaga ang kumakalat na pekeng produkto ng sinasabing “KOPIKO” base sa  imbestigasyong isinagawa sa pamumuno ng RCIDU4A  ni  Pssupt. Edwin Jose G. Nemenzo at sa tulong nina Mr. Rene dela Calzada ang Presidente ng  TRIDHARMA MARKETING CORPORATION, EXCLUSIVE DISTRIBUTOR ng  KOPIKO PRODUCTS,   At si   Mr. Nestor Barrion,  NATIONAL SALES & PROMOTION MANAGER, INBISCO PHILIPPINES nakumpiska nga itong nasa anim na daan at sampung  kahon ng KOPIKO  (610) na humigit kumulang na nasa halagang siyam na libong piso  PHP 900,000.00 at ito ay nasa pangangasiwa ng  K GRAIN TRADING WAREHOUSE na pag- aari naman ni  Mr. KEN YUE ng  VELASQUEZ ST., BRGY. SAN JUAN, TAYTAY, RIZAL.

 

Dahil sa pangyayari nagsagawa ng isang search warrant NO. 1931-11 paglabag sa F SECTIONS 155 at 168  RA 8293 (INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES) laban sa suspek na si  MR. KEN YUE ng  K GRAIN TRADING.

 

Ang naturang pangyayari ay pinatunayan nina Mr. Rene dela Calzada at Mr. Nestor Barrion, Ms. Mejorie Delapa  at Ms. Simonette Delcano  at Mr. Danilo Valle, kapwa BARANGAY TANOD ng  BRGY. SAN JUAN, TAYTAY, RIZAL.

 

Lahat ng nakumpiska kabilang ang mga resibo at mga produkto ng kopiko ay nasa  pangangalaga na nina  Mr. Rene dela Calzada at Mr. Nestor Barrion at dinala ito sa kanilang  WAREHOUSE sa may TRIDHARMA MARKETING CORPORATION na nasa may NO. 48 A, RODRIGUEZ AVE., PASIG CITY. // Arlene P. Mariposque