Sa isinagawang raid ng PDEA sa Batangas City, Marso 22, 2011 dakong alas 3 ng hapon agad nahuli ang suspek na kinilalang si Marina Auro taga Brgy. Dalig Batangas City sa bisa ng isang search warrant ay nakuha sa loob mismo ng kanyang bahay ang 24 pcs. Sachet ng shabu at halagang 13,161.50. Sa tulong ng PDEA Team at sa pamumuno ni Regional Director Jeffrey Bangsa ay agad nahuli ang suspek, na ito pala ay kilala sa tawag na lady banker ang suspek ay nakulong na sa kasong illegal drugs noong nakaraang taon at tumigil ng konti ito at ngayon ay patuloy sa pagbebenta ng droga, ayon pa kay Bangsa ang pagbebenta nitong droga ay nagsimula pa sa mga magulang na minana naman ng anak na ngayon nga ay nagbebenta na ito, Napag alaman itong si Marina alyas lady banker ay siya mismong distributor at tagabenta ng naturang shabu sa Batangas City. Ang suspek ay nasa pangangalaga ng PDEA CALABARZON at sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165. // Arlene P. Mariposque