Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DATING KONSEHAL NG PUTING LUPA TINAGA !!!

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Pinagtataga si Eduardo Llanto, dating konsehal ng Barangay Puting Lupa, ng isa sa kaniyang mga tauhan bandang ika-3 ng hapon sa Purok 5 Sitio Kubol.  Ayon sa mga kaanak, nais lamang ng biktima na papag-ayusin ang gusot ng kaniyang mga tauhan.  Naabutan diumano ni Llanto ang kaniyang mga tauhang nag-aaway dahil sa tricycle.  Para maayos ang gulo ay namagitan si Llanto, inakala nitong maaayos ito sa pamamagitan ng paguusap sa barangay.  Nagpunta si Llanto sa bahay ng salarin upang himukin itong pumunta sa barangay, subalit bigla na lamang nitong pinagtataga si Llanto.  Nagtamo ng sugat ang biktima sa ulo, batok at balikat.  Dead on the spot ang biktima, samantalang nakatakas ang salarin.