Tumalon sa tulay ng Bantayan sa Barangay II ang isang magkasintahan bandang 1:45 ng umaga ng ika-14 ng Pebrero. Kinilala ang lalaki na si Arnel Rea, 24 years old, residente ng Falconville, Barangay Parian estudyante ng Laguna College of Business and Arts, ang babae naman ay nakilalang si Letlet Mandap, taga-Barangay V. Ayon sa mga saksi ay namataan ang dalawa na tila nag-aaway. Patay ang lalaki, samantalang nakaligtas naman ang babae. Bandang ika-9 na ng umaga ng maiahon ang bangkay mula sa ilog.