Calamba,City- Isang muslim ang inaresto alas diyes ng gabi sa Banana Island Brgy. Parian Calamba City nitong Pebrero 10,2011, kung saan ang biktimang si Rodolfo Hilario y Rasines, 49 taong-gulang,binata, ay nakaupo sa labas ng Muslim Mosque, bigla na lamang lumapit ang suspek at tinakot ang biktima habang hawak ito ang kanyang baril. Ang supek ay nakilalang si Brashier Dimakuta y Bantuas,23 taong-gulang, binata, negosyante at tubong Matangaw, iligan City at kapwa sila residente ng naturang lugar. Base sa ulat ni PO2 Noli Branuevo Evangelista at PO1 Renato Pepino Cuevas ay dumulog ang biktima sa kanilang PCP Compac Base sa Crossing Calamba City at agad nila itong nirespondihan. Kung kaya’t ang suspek ay agad nadakip at narekober pa sa kanya ang 45 kalibre ng baril na may marking Norinco na may serial no. BA09438 at may laman itong 10 bala , isang expired na lisensya at expired ang permiso nito sa pagdadala ng baril at napag alaman din na ang baril ay hindi kanya at ito ay nasa pangalan ni Mobarak Batao y Dida, taga B61 L7 , Datu Esmael, Dasmarinas, Cavite. Ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya ng Calamba upang imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso. // Arlene P.Mariposque