Biñan,City - Base sa ulat ni Psupt Joel C. Pernito Chief Of Police ng Biñan kay Pssupt. Gilberto Cruz Laguna Police Director dakong alas 12:30 ng hapon nitong Pebrero 6, 2011 sa may Brgy, Tubigan, Biñan City, Laguna ay nasagawa nga sila ng isang buy-bust operation ang operatiba ng pulisya sa pamumuno ni PSI Francisco Barcala upang hulihin itong mga hinihinalang drug pusher o nagbebenta ng droga kung kaya’t isang asset nila ang bumili sa mga suspek na nakumpirma nga sila ay tulak ng shabu na kinilala nila ang suspek na sina Ann Mary Taping y Daro, 29 taong-gulang, walang asawa,walang trabaho at residente ng Brgy, Tubigan, Biñan City; Edmondo MONDO Dicdican y Sucanda , 33 taong gulang, may asawa , tricycle driver at residente ng Brgy Maduya, Carmona, Cavite; at Joel Joaquin y Alipio, 37 taong-gulang, may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy, Maduya, Carmona, Cavite.
Nahulihan sila ng sachet ng hinihinalang shabu, narekober din sa mga suspek ang diposable lighter na ginamit pa ng mga suspek sa katatapos lang nilang sesyon at mga gamit paraphernalia. Ang mga ebidensya na nakumpiska sa lugar ay dinala sa PNP Regional Crime Laboratory Office 4A imbestigahan at isinalang ang mga suspek sa drug testing.// Arlene P. Mariposque