Calamba City--Galit na galit na sinugod ng isang lalaki, dala ang kaniyang steel bat, ang taong-grasang gumagala sa may lumang palengke. Ito ay matapos siyang batuhin ng luko-luko sa tiyan habang naglalakad. Ang lalaki na kinilala sa pangalang Winnie Asazano, residente ng Barangay II at diumano ay drayber ni Kapitan Nomer de Mesa, ay gumanti ng suntok matapos siyang batuhin, di naman nagpatalo ang taong-grasa at pinukpok naman nito si Asazano ng hawak nitong baril-barilan. Mabuti na lamang at naawat si Asazano nang sumugod ito dala ang steel bat.--Joanna Paula Yambao