Namatay matapos barilin ng di nakilalang suspek si APOLINO NAVAREZy Tolentino, 49 taong gulang , may asawa, residente at kasalukuyang Barangay Captain ng Brgy. Bitin, Bay, Laguna dakong alas 8:30 ng gabi Perbro 4, 2011, nang makatanggap ng tawag si Police Inspector Charlie Bulan, Laguna Police Public Safety Company (LPPSC) na may binaril sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna at Chief of Police Inspector Joseph Calonge Laureta ay agad nagtungo sa lugar na pinangyarihan kasama ang SOCO team..
Napag alaman na ang bikitima ay sakay nuon ng kanyang motor (Yamaha Mio), na may plate number WE-4521 habang tinutungo ang Silang street sa may Day Care Center ng nasabing barangay, bigla na lamang nakarinig ang mga residente dun ng 3 sunod-sunod na putok ng baril na tinaman ang bkitima sa mukha at panga nito na siya nitong kinamatay. Di pa malaman ang motibo ng pamamaril at narecover sa pinangyarihan ng krimen ang (3) tatlong basyo ng baril na galing sa 45 caliber pistol at isa pang .45 caliber pistol marked colt bearing serial number 120509 na may dalawang loaded magazine, dalawang firearm license isyu ng FED Camp Crame, Quezon City, halaga ng pera na tatlong libo dalawang daan at tatlumpung piso(P3,230.00), 2singsing, 2 cellphone at mga importanteng document.
Ang labi ng biktima ay dinala sa Regina Funeral Parlor in Los Baños, Laguna. Dinala ang mga nakuhang baril sa PNP crime laboratory at Camp Vicente Lim, Calamba City. . Hanggang sa ngayon ay iniembistigahan pa ang pangyayari. // Arlene P. Mariposque