Cavite City- Ang Philippine Drug Enforcement Agency CALABARZON o PDEA PRO4A ay nagsagawa ng isang buy-bust operation sa Garden Grove Subdivision, Dasmarinas, Cavite nuong Enero 18, 2011 sa ganap na 9:00 ng gabi.
Kinilala ni Director II Randy R Pedroso, Regional Director, PDEA RO4A ang mga suspek na sina alberto Batac Y Abanto alyas "Boyet", 57 taong gulang , may asawa, residente ng Green St., Camella North, Bacoor, Cavite at Emilio Pamintuan Y Oliveros alyas "Mel", 48 taong gulang, may asawa at nakatira naman sa Block 12 Lot 8, AstroVille, Molino, Bacoor, Cavite narecober sa pinangyarihan ang (3) tatlong piraso gramo ng shabu, na nakita mismo sa loob ng sasakyan ng mga suspek na ang gamit ay black Isuzu Crosswind na tinayang positibo base sa ginawang pag susuri ni Ms Lalaine Ong Rodrigo, Duty Chemist, PNP Regional Crime Laboratory Office 4A, Camp Vicente Lim, Calamba City, LAguna.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Section 11 at 12, Article II of RA 9165 na siyang ikinaso sa Office of the City Prosecutor, Dasmarinas, Cavite masusing pinag aralan ni Hon. Arsenio R.M. Almadin, Duty Inquest Prosecutor.
Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga at kustodiya ng PDEA 4A. // Arlene P. Mariposque