Nasakote ang mga hinihinalang miyembro ng salisi gang sa Barangay Mayapa, Calamba Laguna. Kinilala ang mga akusado na sina Jay Aguilar Claveria at Mark Anthony Ortega Cruzin. Ayon sa mga biktima, ang target ng mga akusado ay mga babaeng nag-aapply ng trabaho. Ang modus ay lalapitan ang aplikante at makikipagkilala, sasabihing may kilala silang HR sa isang kumpanya na maaring makatulong. Hihiramin ang cellphone para kunwari ay kokontakin ang HR at kapag naniwala ang biktima at ibinigay ang cellphone ay saka ito itatakbo.
Panawagan ng mga awtoridad na mag-ingat sa mga ganitong modus.
Last Updated on Wednesday, 02 February 2011 07:19