Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ANO PANG HANAP MO?...TANONG NG CALAMBEÑO By: Maridel M. Reyes

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

 

Ako’y makabayang tunay na makata

Sa inyo’y sumulat ng maigsing tula

Bayang sinilangan ay ipakikilala

At ipagmamalaki ang taglay na ganda


Ang inyo pong lingkod ay isang calambeño

Bayan ng magiting, bayaning Pilipino

Si Gat.Jose Rizal, kababayang totoo

Tatak ng aming bayan, kami’y taas noo


Kung likas na yaman ang pag-uusapan

Lawa ng Laguna ay matatagpuan

Sa ami’y mayroong palaisdaa’t palayan,

Sagana sa bukid na pagkakakitaan


Para sa mga lakwatsero’t lakwatsera

O sa mga taong nais magsaya

Mayroon kami ditong SM Calamba,

Lianas, Walter Mart, Pure Gold at iba pa


Kayo ba ay nagbabalak na mag-outing?

Magagandang paliguan nais bang marating?

Biyaya sa amin ang Bundok Makiling,

Bakit ‘di subukang mag-swimming sa hot spring


Kung ang hanap mo ay magandang trabaho

Electronics Company marami dito

Pabrika, Science Park, makatuwiran ang suweldo

Dito’y mayro’n kang mga benepisyo


Quality Education, iyo bang demand?

Mga paaralan dito’y di ka masa-sad

Public o Private, maging Unibersidad

Ay matatagpuan sa aming siyudad


Kumuha na ng kurso sa San Sebastian,

Perpetual Help, Ateneo de Canlubang,

Don Bosco, St. Benilde, Lyceum at Letran

If budget matters, City College ang pasukan


Kung seguridad nais ay sigurado,

May Camp Vicente Lim, ano pang hanap mo?

Pulis, sundalo maging tanod at bumbero

Traffic Law Enforcer ‘di mawawala dito


Kung gustong malaman sistema ng Gobyerno

Try mong bumisita sa aming Munisipyo

Maganda, malaki, mabilis ang serbisyo

Malaking improvement, parang makabago


Kung pangkalusugan ang pag-uusapan,

Calamba Meical Center, dapat puntahan

May Doctors’ Hospital at iba pang pagamutan

Kami’y mayroon ding Botika ng Bayan


Sa aking tula sana’y inyong nakita

Katangiang taglay ng Bayang Calamba

Ito’y two-in-one, pwedeng city o probinsya

Repapipz, madlang people, tayo na’t bumisita.


 

 

Last Updated on Wednesday, 02 February 2011 07:24