Cabuyao, Laguna -- Nagluluksa pa hanggang ngayon sa mga sandaling ito ang pamilya ni Roldan at Merly Hinola na namatayan ng anak dito sa Blk 21 Lot 118 Southville 1 , Cabuyao Laguna.Ang batang si Yael Christopher Hinola , 4 na taong gulang, solong anak ng mag-asawa ay aksidenteng nabaril ng sumpak ng kanilang kapitbahay. Ayon sa mga nakasaksi alas dose ng tanghali nitong nakaraang linggo Enero 23, 2010 ng maganap ang krimen.
Naglalaro umano si Yael ng mga oras na iyon at sumunod sa kanyang lolo para mag-igib ng tubig sa kapitbahay, samantalang ang suspek na si Dante Ebuela, 50 taong gulang alyas Boy na nuon ay naglilinis umano ng sumpak na pagmamayi-ari nito ng aksidenteng makalabit nito ang gatilyo at tinamaan ang bata. Tinatayang walo (8) bala ang tumama sa bata na naging sanhi sa pagkamatay nito. Ayon sa lola ng biktima nagtatago na daw di umano ang suspek at ni hind man lang nakipagtulungan kahit ang pamilya ng suspek sa kanila. Sa ngayon ay pinaghahanap na ito ng mga owtoridad.// Arlene P. Mariposque
Last Updated on Wednesday, 02 February 2011 07:34