Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CANLUBANG SK CHAIRMAN-ELECT, PINANGAGAMBAHANG HINDI MAKAUPO

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Isang araw matapos ang proklamasyon ng mga nanalong kandidatong pambaranggay sa Barangay Canlubang ay pumutok ang isyu sa edad ng nanalong SK Chairman sa nasabing baranggay.

 

Pinangangambahang hindi makaupo si Arlan Jane Celo kahit nakakuha siya ng malaking kalamangan sa nagdaang SK Elections laban sa kanyang mga nakatunggali. Ito ay matapos madiskubre na siya ay labing-apat na taong gulang pa lamang, isang araw matapos siyang iproklamang panalo.

 

Napag-alaman ang impormasyong ito nang kampo ni Paulene "Pao" Villa matapos nilang makakuha ng kopya ng Certificate of Candidacy (COC) at Birth Certificate ni Celo. Nalaman na idineklara ng nanalong SK Chairman sa kanyang COC na siya ay ipinanganak nang Setyembre 16, 1995 samantalang Disyembre 16, 1995 ang tunay niyang kaarawan batay na rin sa kanyang birth certificate.

 

Samakatuwid, labing-apat na taong gulang lamang siya at hindi kuwalipikadong tumakbo sa Sangguniang Kabataan. Labinlima hanggang labimpitong taon lamang ang pinapayagang maging miyembro ng Katipunan ng Kabataan at tumakbo sa SK, ayon sa batas.

 

Nagsampa na ng quo warranto case si Pao Villa laban kay Celo. Katulong din niya ang grupo ng isa pang natalong SK Chairman candidate na si Mark Turingan sa pagpapalabas ng impormasyong ito sa mga kabataan at mamamayan ng Canlubang. May mga kilalang personalidad at grupo na rin ang sumama sa laban upang huwag paupuin si Celo bilang SK Chairman.

 

"Tinanggap na natin kung anuman nangyaring mga maling gawi sa mismong araw ng eleksyon pero sa ganitong panloloko ay hindi na natin dapat palampasin. Niloloko niya ang mga kabataan. Ang laban natin ay para sa katotohanan," sambit ni dating Konsehal Alvin Villa na ama ni Pao.--Matt Palentinos

 

Sa ngayon ay nagsampa na rin ng motion for dismiss ang kampo ni Celo para ipawalang-bisa ang reklamo ng kanilang mga kalaban.


alt

Last Updated on Friday, 17 June 2011 07:22