Una ay ang Seksyon 27 ng Comprehensive Land Use and Development Plan of 2000 ng Calamba, na nagsasaad na ang Canlubang ay hindi maaaring sabihin na ito’y “industriyal” magmula pa noon dahil sa Constitutional Rules of Ownership na siyang sumusunod sa Regalian Doctrine. Ang Regalian doctrine o “Jura Regalia” ay konsepto na naghahayag ng kapangyarihan sa pag-aari ng hari ng Espanya ng lahat ng kolonya nito.
Ikalawa ay ang Seksyon 65 ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Isinasaad dito na sa loon ng limang (5) taon ay kailangan na maisulong ang nararapat sa lupa. Ngunit base sa huling tala, wala pa sa 70-80 bahagdan ang nagagalaw dito.
Ikatlo ay ang Administrative Order 363 kung saan tahasang nilalabag ng lokal na pamahalaan ng Calamba ang dekretong ipinapahayag ng pambansang pamahalaan, na siya ring isinasaad sa Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991.
Ang iba pang paliwanag ni Konsehal Niño Lajara sa kanyang pagtutol ay ukol sa pag-tindig ng resolution ukol sa “Moratorium on Further Developments in Canlubang”, pagsang-ayon sa “implied veto” message ng Sangguniang Panlungsod, Seksyon 16 (Pangkalahatang Kagalingan) ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991, at ang Artikulo XIII (Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao) ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987.
Ayon pa sa konsehal, hindi siya labag sa pagsulong ng kaunlaran, ngunit kung ang “kaunlaran” na tinutukoy nila ang siyang sisira sa mamamayan, hindi ito tunay na kaunlaran.
07 October 2009


















































