Get Adobe Flash player

Recommended Links

avon2-gif calamba-lights2

alivemax infinity

Promote Your Business!

Please update your Flash Player to view content.

Other News, Blogs, etc

More Stories

Popular Business

MANGGAGAWANG BUKID NG CANLUBANG, IPINAGTANGGOL NI KONSEHAL NIÑO LAJARA

User Rating: / 2
PoorBest 

Ipinagtanggol ni Konsehal Christian Niño Lajara ang mga manggagawang bukid ng Canlubang sa pamamagitan ng kanyang ginawang pagtutol sa pag-apruba ng development permit para sa Nuvali Project sa Canlubang.

Sa isang regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod nitong ika-11 ng Enero, nasa ikatlong pagbasa na ang nasabing aplikasyon para sa 700,000 sq. meters na lupa sa Canlubang na pagpapatayuan ng high-rise subdivision na Nuvali.  Ipinaliwanag  ni Kosehal Lajara na kung ito ay tuluyang maaprubahan ay mangangahulugan ito ng pagbalewala sa karapatan ng mga lehitimong mga manggagawang-bukid sa Canlubang sa Comprehensive Agrarian Reform Program.  Binigyang-diin din ni Lajara ang isyu ng pagbibigay-daan sa pag-reklasipika sa Canlubang bilang lupang agrikultural at hindi industriyal, batay sa mga punto na malawak na bahagi ng lupain sa lugar na ito ay nananatiling nakatiwangwang, ang irigasyon ng tubig ay patuloy na dumadaloy, at marami pa ring mamamayan dito na ang ikinabubuhay ay pagtatanim.  Nagpahayag din ng pangamba ang CALAMBAPA (Canlubang Laban sa Maling Balangkas ng Pag-unlad), samahan ng mga manggagawang-bukid at residente ng Canlubang, dahil sa sunod-sunod na mga development permit na inaaprubahan ng Sanggunian Panlungsod ay tuluyan nang tapakan ang kanilang karapatan.

Editor’s Note: Sa kasalukuyan ay naghain na ng kaso ang mga samahan sa Canlubang, kasama si Konsehal Niño Lajara, na humihiling sa korte ng Declaratory Relief hinggil sa isyu ng lupa sa Canlubang

 


Comments  

 
-1#3gelo robrigado2011-05-15 15:04
orihinal na ang ang Barangay Canlubang ay isang lupaing pang-agrikultura - isa sa mga pinakamalalawak na taniman ng tubo. Ito lamang ay pinabayaan at binalewala nang bumagsak ang presyo ng asukal sa pandaigdigang mercado kaya napabayaan ang mga lehitimong magbubukid ng barangay. Ngunit nararapat lamang na maibigay sa mga magbubukid ang kanilang karapatan sa lupa.

Nararapat na talagang maisulong ang Genuine Agrarian Reform Bill! - ang batas ng repormang pang-agraryo na tunay na nag[censored]long ng interes ng mga magbubukid at hindi ng mga panginoong may lupa!
Quote
 
 
0#2emong garcia2011-01-02 14:01
hindi naman yata nag iisip itong konshal lajara na ito, aba'y sa ka naman nakakita ng nagpapaland reform sa isang industrial at commercial estate. mag-isip isip ka muna konsehal, baka maging katawataw ka lang.saka wag m o ihiwalay ang sarili mo sa sanggunian dahil bahagi ka din ng mga ginagawa nitong kapalpakan sa mga mamamayan ng calamba.
Quote
 
 
+1#1emong garcia2010-12-28 09:22
Payo lang k nino lajara, tigilan nyo na ang panloloko sa mga taga canlubang, alam nyo naman sapol simula na ang lupang canlubang ay hindi saklaw ng RA 6657, dahil bago pa man maisakatuparan ang RA 6657 ay non-agricultral na ang lupang ito, at exempted sa implementation ng CARP. Subject landholdings are classified as non-agricultural prior to the effectivity of RA 6657, exemption order of the subject land holding had become final and executor by operation of law consistent with the rules promulgated by DAR pursuant to the provisions of RA 6657. Non development of subject land cannot be a valid basis for land already exempt from CARP coverage to revert back to agricultural. LGU’S POWER TO RECLASSIFY IS NOT MEANT TO DIVEST DAR OF ITS JURISDICTION TO IMPLEMENT THE PROVISIONS OF RA 6657. nabilog mo ulo ng mga taga canlubang eh, pero hindi mo na sila kayang linlangin ngayon, hindi ka dapat maging public servant. nakakahiya mga pinaggagagawa mo.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh

SUPPORT THE CAUSE

canlubang-icon

Join our mailing list

Calamba.ph Newsletter


Receive HTML?

Hurry!!! advertise now!

Please update your Flash Player to view content.

Tell Your Friends

SocialTwist Tell-a-Friend

Facebook Like

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday2927
mod_vvisit_counterYesterday7297
mod_vvisit_counterThis week14530
mod_vvisit_counterLast week34997
mod_vvisit_counterThis month31925
mod_vvisit_counterLast month142206
mod_vvisit_counterAll days1536902

Flag Counter

free counters

Latest Jobs

Office Manager
Company: CITI Savings Bank
Category: Accounting/Finance
Type: Full-Time
Posted: February 06, 2012


Collectors
Company: Rhine Marketing Corporation
Category: Accounting/Finance
Type: Full-Time
Posted: February 06, 2012


Sales Supervisor
Company: Rhine Marketing Corporation
Category: Sales
Type: Full-Time
Posted: February 06, 2012


Purchasing Assistant
Company: KJ Spring & Plastics Technology Inc.
Category: Marketing
Type: Full-Time
Posted: February 06, 2012


Accountant
Company: KJ Spring & Plastics Technology Inc.
Category: Accounting/Finance
Type: Full-Time
Posted: February 06, 2012