Calamba Laguna Philippines

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

AGRICULTURAL TRACTOR-AWARDING PARA SA MGA MAGBUBUKID NG CALAMBA, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

E-mail Print PDF

 


Enero 19, Calamba City--Matagumpay na naidaos ang Tractor-Awarding sa mga nangangailangang magsasaka ng Calamba.  Ikasampu at kalahati ng umaga (10:30 AM) nang puno ng kagalakang sinimulan ng mga personaheng may kinalaman sa proyektong ito ang programa sa New City Hall ng Calamba.  Sa pakikipagtulungan ng City Government at City Agriculture Office ay naipagkaloob sa mga magbubukid ang dalawang units ng Agricultural Tractors na mapapakinabangan sa 37 barangay.

Noong huling bahagi ng nakaraang taon ay matatandaang dumulog ang mga magbubukid na kasapi ng CAFC (Calamba Agriculture and Fisheries Council) sa Committee on Agriculture at Committee on Cooperatives and Livelihood na pinangungunahan ni Councilor Christian Niño Lajara hinggil sa pinsalang tinamo ng sektor ng pansakahan dulot ng mga nakaraang kalamidad.  Ipinaabot ng mga magbubukid ang kanilang kahilingan na sila ay matulungan na makabangon sa kanilang kabuhayan.  Tinatayang mahigit sa 182 Milyong Piso ang halaga ng pinsala sa pataniman, pangisdaan, at panghayupan, ayon sa ulat ni Mrs. Aurea Alcasabas ng City Agriculture Office.

Mayor Joaquin Chipeco                                         Councilor Christian Niño Lajara



 

Last Updated on Friday, 22 January 2010 02:40  

Calamba Search

Loading...

Popular Businesses