Calamba Laguna Philippines

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

5M LIVELIHOOD GRANTS PARA SA MGA MANGINGISDA IPINAGKALOOB

E-mail Print PDF

Calamba City – Mahigit sa apat na raang mangingisdang naapektuhan ng bagyong Santi ang pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan ng Lungsod na Pamahalaan ng Calamba.  Ito ay bunga ng regular na pakikipagdayalogo ng Komite ng Agrikultura sa pangunguna ni Konsehal Niño Lajara sa pamunuan ng City Fisheries and aquatic Resource Management Council (CFARMC).  Sa pamamagitan ng mga pulong na ito ay mabilis na nakagawa ng assessment ang Komite hinggil sa lawak ng pinsalang tinamo ng sektor ng pangisdaan sa mga nagdaang mga kalamidad.

Ang rekomendasyon ng Komite ng Agrikultura ay binubuo ng dalawang programa para matulungang maibangong muli ang kabuhayan ng mga mangingisda.  Una ay ang cash gifts na nagkakahalaga ng limang libong pisong livelihood assistance bawat mangingisda at ang ikalawang bahagi ay ang pagpapautang ng “gill nets”.

Ang mga natulungang mangingisda ay mula sa Pansol, Sampiruhan, Palingon, Sucol, Looc, Uwisan, Bucal, Lecheria, Lingga at Masili.

Last Updated on Friday, 22 January 2010 03:32  

Calamba Search

Loading...

Popular Businesses