Calamba Laguna Philippines

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

MANGGAGAWANG BUKID NG CANLUBANG, IPINAGTANGGOL NI KONSEHAL NIÑO LAJARA

E-mail Print PDF

Ipinagtanggol ni Konsehal Christian Niño Lajara ang mga manggagawang bukid ng Canlubang sa pamamagitan ng kanyang ginawang pagtutol sa pag-apruba ng development permit para sa Nuvali Project sa Canlubang.

Sa isang regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod nitong ika-11 ng Enero, nasa ikatlong pagbasa na ang nasabing aplikasyon para sa 700,000 sq. meters na lupa sa Canlubang na pagpapatayuan ng high-rise subdivision na Nuvali.  Ipinaliwanag  ni Kosehal Lajara na kung ito ay tuluyang maaprubahan ay mangangahulugan ito ng pagbalewala sa karapatan ng mga lehitimong mga manggagawang-bukid sa Canlubang sa Comprehensive Agrarian Reform Program.  Binigyang-diin din ni Lajara ang isyu ng pagbibigay-daan sa pag-reklasipika sa Canlubang bilang lupang agrikultural at hindi industriyal, batay sa mga punto na malawak na bahagi ng lupain sa lugar na ito ay nananatiling nakatiwangwang, ang irigasyon ng tubig ay patuloy na dumadaloy, at marami pa ring mamamayan dito na ang ikinabubuhay ay pagtatanim.  Nagpahayag din ng pangamba ang CALAMBAPA (Canlubang Laban sa Maling Balangkas ng Pag-unlad), samahan ng mga manggagawang-bukid at residente ng Canlubang, dahil sa sunod-sunod na mga development permit na inaaprubahan ng Sanggunian Panlungsod ay tuluyan nang tapakan ang kanilang karapatan.

Editor’s Note: Sa kasalukuyan ay naghain na ng kaso ang mga samahan sa Canlubang, kasama si Konsehal Niño Lajara, na humihiling sa korte ng Declaratory Relief hinggil sa isyu ng lupa sa Canlubang

 


Last Updated on Friday, 15 January 2010 07:24  

Calamba Search

Loading...

Popular Businesses