Hon. Christian Niño S. Lajara:
PARA SA PROGRESIBONG CALAMBEÑO
“GOOD GOVERNANCE”
Good Governance para sa amin ay participatory, consultative, consensus oriented, accountable, transparent, responsive, effective and efficient, equitable and inclusive and follows the rule of law. Sophisticated people will say that government and official are dull in the Philippine”. Bakit nga ba tila yata wala nang tiwala ang tao sa atin? Siguro ay kasalanan din natin… It is the manner of how the government implement, secure and understand the agenda of the people that compasses of their social and economic needs. Kaya ba nating sabihin na pinangalagaan natin ang seguridad ng tao? Oo, palagay ko kaya nating sabihin ‘yan, kaya lamang, still it will be considered as moro-moro at walang kaseryosohan. Dahil we still act immaturely. Just recently ,Sanggunian Panlungsod considered the budget without a basis. While the Executive prepared the budget without any consultation from the concerned parties. I am referring to the 20% special developmet fund. Ang bagay na ito ay may kahalagahan dahil ito ang palaman sa tinapay upang sumarap. Kaya lamang, can we still consider the development plan of the city government adaptable to the present situation? Remember that the current DP was formulated during the time of Mayor Lajara and the City government is already 2 years behind to access and formulate new DP. Muli ay babalik ako sa mga dating katanungan, papano ba tayo tumutulong sa ating kababayan? Good governance is empowerment, the City Government has a different arm that take s care of different function that deemed necessary to the people, for example CENRO. It is the Department of the City Government that takes care of the Environment and Natural Resources. Their job is to check, maintain, secure, develop programs in the aspect of environmental protection. Kaya lamang ano ang programa nila para maisagawa ang mga misyong itinalaga para kanilang gampanan? For instance, Can CENRO identify where the pollution in our waters actually coming from? Or can CENRO have the technical capability to say that the air in Calamba is clean? Did CENRO had implemented measures to help the fisherfolks? Is the CENRO well equipted, well funded and technically sound? Thus the Mayor empowers his down-lines so they can carry-out this duties? Good Governance is empowerment, may kakayanan nga ba ang bawat departamento sa City Government para trabahuhin ang reposibilidad na naka-atang sa kanila? Sa bagay na ito ay babalik tayo sa sitwasyon ng DA (Department of Agriculture). Last year, less than 1% ang budget ng department na ito, kaya walang maibigay na maayos na programa, if you are talking about Good Governance you should empower your different department and let them do the job in line with the DP. Good Governance is participatory. Ownership empower individual for being part of the program. Dito sa bagay na ito may kinakailangan tayong tingnan, kung kasama pa ba natin ang mga sektor na may interes sa programa o ang programa ay basta na lamang natin isinusubo sa kanila na wala man lang konsultasyun sa kanila, maaari nga na kailangan nila ng programa na sinusubo ng pamahalaan ngunit hindi naman ito ang kanilang i-prayoridad na pangangailangan. Halimbawa ang pagbibigay ng tulong sa ibat ibang sports solicitation. I am not saying that this manner is wrong, but does the Chief Executive consider developing a program for sports enthusiasts, muli ay tingnan natin ng malalim... Kanina sa opisina, may nag -solicit na chess team na lalaban daw sila ng championship... Aba! Sabi ko sa kanila... “Kailangan ninyo pa bang mag-solicit, eh dapat alam ng sports division office ang gagawin nila d’yan at dapat may nakatabi ng fund para d’yan...” If the local chief executive is really saying na pinapahalagahan nila ang good governance...where is his development program in sport that will support and maintain our athletes? Good Governance is effective and efficient. Are we effective or defective? Are we efficient or deficient? How effective are we in responding on the issues of the people? One issue of the people of Calamba is poverty. Papaano nga ba natin binibigyan ng kahalagahan ang isyung ito? One issue addressed by the Development Plan of Calamba was housing and settlement, and they ensure that by 2015 there will be no squatters in any part of Calamba, but from where I am standing, this target will not be met. Ito ay sapagkat tila hindi yata prayoridad ng local chief executive ang bagay na ito at wala yatang sumusunod sa ehekutibo sa development plan. Yes! Sinasabi namin na walang seryosong programa ang pamahalaan lunsod tungkol sa kahirapan dahil sa kawalan ng Baseline Data patungkol sa mahihirap. Yes! Sinasabi namin na masyadong malawak ang Development Plan ngunit ang pagdidetalye nito ay trabaho ng pamahalaang lunsod at kung hindi maididetalye ito at hindi makakaipon ng mga datos para masuportahan ang programa upang makasunod sa Development Plan. Hindi ito magiging epektibo. Minsan ay nagkausap ang ibat-ibang sangay ng pamahalaan patungkol sa pamamahagi ng lupa sa patay na riles ng PNR, para sa akin, maganda ang intensyon upang mag karoon ng sariling lupa ang mga taong nakatira sa tabi ng riles ngunit sa isang bahagi ay nagtanong ako sa aking sarili… Kung ito ay patay na riles at ipapamahagi ang lupa at magiging parte ng komunidad ay responsibilidad ng pamahalaang lunsod na magkaroon ng maayos na serbisyo, ngunit papaano magkakaroon ng maayos na serbisyuo ang pamahalaang lunsod kung ang daan dito ay daang tao lamang at ang bihikulo ay hindi makakalusot? Alam naman po natin na karamihan ng nakatira dito ay mahirap at target ito ng kriminalidad, papaano mabibigyan seguridad ng ating kapulisan ang komunidad kung ang daan dito ay hindi maayos? Kung halimbawang magkasunog, papano reresponde ang ating bumbero? Papaano ang mahihirap nating mamayan sa panahon ng emergency? papano ang kanilang drainage? Nakakaawa naman sila kung aaprubahan ng ating ehekutibo ang bagay na ito nang walang programa ng mga serbisyong nabanggit sa itaas? Siguro mas magandang ihanap na lamang sila ng ibang lokasyon na magiging kaayaya sa kanila...Barabara na lamang ba talaga at hindi pinag-aaralan ang mga mahahalagang bagay na katulad nito? This year, we are facing a troubled economy resulted fron unregulated interest of American to their economy, One solution of our national government to address the issue of recession is to increase the budget of public works to ensure that money is flowing to the poor sector and other identified sector affected of the recession. This formula was adopted from the US, It was formulated during their early depression. But how could our local government share his part? Puwede ba nating gayahin ang national government na taasan din ang pondo sa infrastructure project? Tingin ko po sala na diskarte po ng local government kung gagayahin ito, dahil ang pondo po ng national government ay trilyon samantalang ang lokal na pamahalaan po ay 1.7 Bilyun lamang at estimate lang po iyan ngayong 2007. Sa tingin po namin, livelihood program ang pinaka maganda at iyan naman ang sinasabi ng ating local chief executive kaya lamang kinakailangan maging malinaw at hango sa prinsipyo ng Good Governance. Pinapaalala po namin na marami pong mawawalan ng trabaho ngayun 1st and 2nd quarters ng 2009 at sa bagay na ito ay hindi pa kikamusta ng Chief Executive ang industrial sector, kung gaano na nga ba karami ang apektado sa Calamba. Ang malaki pong katotohanan ay buong mundo po ang apektado ng recession at maraming kumpanya ang talagang magbabawas ng trabahador. Ang sinsabi lamang po naming ay maging detalyado ang programa na ipapatupad ng lokal na pamahalaan sa isyu ng recession at kahirapan.
Personal Information
| Name | Christian Niño S. Lajara | |
| Residence | #80 Bgy. Tulo, Calamba City, Laguna, Phils. | |
| Mobile Number | 0928-241-0081 | |
| This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it | ||
| Office | 3F New City Hall Bldg., Real, Calamba City | |
| Objective | To pursue a career that would enhance my capabilities and develop my skills to the fullest | |
| Birthdate | April 24, 1980 | |
| Civil Status | Married | |
| Religion | Catholic | |
| Nationality | Filipino | |
| Height | 5'10" | |
| Weight | 85kgs. | |
| Mother's Name | Fermina Salva-Lajara | |
| Father's Name | Severino Javier Lajara | |
::EDUCATION:: |
||
| College | BS Computer Science-Lyceum Institute of Technology | |
| High School | Makiling National High School | |
| Elementary | Colegio De San Juan De Letran |
Chairman, Committee on Transportation, Franchises & Utilities
Click to View
AUTHORED RESOLUTIONS & ORDINANCES
- Amendments on the 2006 Revised Revenue Code of Calamba City, excluding public and private resorts from the 10% amusement tax
- Resolution requesting the Mayor to create a Fare Regulatory Board
- Resolution to identify Strategic Sites for Terminal
- An Ordinance prescribing guidelines for the Issuance of Tricycle Franchise/Motorized Tricycle Operator’s Permit in the City of Calamba and Providing Penalties for violations thereof
- Franchise Ordinance for Public Markets and Terminals
Chairman, Committee on Agriculture
Click to View
1. Pushed to increase the budget allocation for the Department of Agriculture for them to truly perform the duties mandated by the law.
2. Probed the substandard organic fertilizer supplied by HC Cover Crops, Int'l
3. Advocated for further study on lifting the Resolution on moratorium in the land development in Barangay Canlubang
Chairman, Committee on Cooperative & Self-Employment
LIVELIHOOD PROJECTS

- Goat Dispersal
Sa kabila ng maputik na daan at masungit na panahon ay matagumpay na naipamahagi sa mahigit dalawampung pamilya mula sa Barangay Mapagong ang mga kambing bilang proyektong pangkabuhayan ng Samahang Kabuhayan sa Calamba Laguna, Inc. Bago ipinagkaloob ang mga kambing ay nagkaroon ng mga seminar at training sa mga beneficiaries kung papaano ang tamang pag-aalaga at mga pamamaraan ng pagkita sa negosyo ng gatas o milk dairy. Ang Goat-Dispersal na ito sa barangay Mapagong ay ang Phase 1 pa lamang ng proyektong ito at inaasahang magpapatuloy ang pagkakaloob ng mga kambing sa iba pang mga barangay na nangangailangan ng tulong pangkabuhayan.
- Vermiculture
Mahigit apatnapung residente mula sa iba’t-ibang barangay sa Calamba ang dumalo at nakinig sa ginanap na Vermi-Culture Seminar sa Multi Purpose Hall, Ground Floor New City Hall sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture. Ito ay bahagi ng livelihood projects ng Samahang Kabuhayan sa Calamba Laguna Inc. (SKCLI) na naglalayong makatulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at suporta upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga Calambenyo.
Sa pangunguna ni Dr. Rafael Guererro III ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development ng ay naturuan ang mga dumalo tungkol sa Vermi-Culture, kung papaano ito ginagawa at kung papaano kumita dito. Ang mga nakatapos ng Seminar na ito ay pagkakalooban ng mga materyales at gamit upang makapagumpisa ng Vermi Farm sa kanilang sariling bakuran.
Ang Vermiculture ay pag-aalaga ng “Vermi” o bulateng-lupa (earthworms). Ito ay mahalaga sa pagpapayaman ng lupa ng organic matter. Ang dumi ng mga vermi na tinatawag na vermicompost ay nagtataglay ng mga katangian na nagpapalusog at nagpapabilis sa pagtubo ng mga halaman. Ang vermi ay maaari ring gawing pakain sa mga isda at iba pang hayop na alaga sa pamamagitan ng vermimeal. Ang vermicompost naman ay ginagamit o ipinagbibiling organikong pataba na pang-halaman.—



CNL



