GREENFIELD REGIONAL CENTER
Calamba City Bilang Sentro ng Pagbabago
Labingtatlong araw bago ang kapaskuhan 2009, pinasinayaan ang pagsisimula ng proyekto upang itayo ang Calabarzon Regional Government Center dito sa Lunsod ng Calamba sa pamamagitan ng Groundbreaking ceremony na dinaluhan ng punong ehekutibo ng bansa, Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga pinuno ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).
Sa pinagtibay na Executive no. 246 noong Oktubre 2003 na nagtatakda sa Calamba bilang panrehiyong sentro o regional center ng Region IV-A CALABARZON ay nakasaad na lahat ng pambansang ahensiya ay mandatong magtayo ng panrehiyong tanggapan sa nasabing lungsod.
Kinilala ng Regional Development Council, Region IV-A ang nasabing executive no. na ang Calamba ang siyang pag-uusbungan ng CALABARZON Regional Center dahil sa pinapamalas ng nasabing lungsod na progreso sa industrial at urban activities. Layon ng pagtatayo ng Regional Center ang mailapit at maiparamdam ng gobyerno ang pagpapahusay ng kanilang paglilingkod at paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayang sakop ng nasabing rehiyon.
Ihahatid din ng itatayong regional center ang agarang serbisyong pampamahalaan na isanasagawa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na kasalukuyang nakakalat sa iba’t-ibang dako ng rehiyon. 12 sa mga ito ay matatagpuan sa Calamba City, 5 sa Laguna, 6 sa Batangas, 5 sa Quezon at 24 sa Metro Manila. Mabibigyan ng daan ang mga nasabing ahensya na mabukold sa iisang lugar at masasabing sentro ng lahat ng transaksyong pampamahalaan – na unang misyon ng pagtatayo ng regional center.
Ang Calamba bilang first class city sa Laguna at itinuturing na Makati of the South ay mapalad na nakamit ang magandang oportunidad na ito. Ayon pa kay Mayor Joaquin M. Chipeco sa kanyang talumpati noong araw ng groundbreaking. “The establishment of Regional Center in this City will enhance the quality of life and open-up new economic opportunities for 11M residents of CALABARZON.”
“It is also expected to foster better coordination and promote efficiency in the discharge of functions between and among agencies in CALABARZON, the integrated regional center for government offices is erected to decongest Metro Manila and promote better governance and delivery of service,” pagtatapos ni Mayor Chipeco.
Kasalukuyang sinisimulan na ang nasabing Regional Center sa 2 hektaryang lupaing ibinigay ng Greenfield Development Corporation (GDC) na nakabase sa Brgy. Mapagong, Calamba City malapit sa South Luzon Expressway (SLEX). Ang 2 hektaryang land donation ng GDC para sa regional center ay bahagi lamang ng 25-hektarya ng Greenfiled Regional hub na isang komersyal, institusyonal at residential development para sa buong rehiyon ng timog-katagalugan. –AB Hizon







