Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Category Table REORGANISASYON NG MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG CALAMBA-PINATUTUPAD NA, Sandigan January 2010 Issue

REORGANISASYON NG MGA OPISYAL AT KAWANI NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG CALAMBA-PINATUTUPAD NA, Sandigan January 2010 Issue

E-mail Print PDF

REORGANISASYON ng mga Opisyal at kawani ng Pamahalaang Lunsod ng Calamba, Pinatutupad Na!

Sa bisa ng City Resolution 129 Series of 2004 ng Sangguniang Panlunsod at Executive Order No. 07-2004 ni Mayor Joaquin Chipeco Jr., nasimulan ang reorganisasyon ng mga opisyales at kawani ng pamahalaang Lunsod ng Calamba. Kaugnay ng Resolusyon at Executive Order nagbuo ng isang Placement Board na ang pangunahing function ay mag-aral at mag-determina ng mga posisyong kinakailangan upang  lalo pang palakasin ang bureaucracy  ng ating Pamahalaang Panlunsod.

 

Bagamat may katagalan, naipatupad na ang nasabing Reorganisasyon noong last quarter ng 2009.  Naunang natapos ang mga posisyon ng mga bago at dati ng Department Heads at sumunod na ang mga Rank and File employees kung saan maraming mga Job order at Contractual Employees ang nabenipisyuhan nito.  Sa kasalukuyan ay natapos na din ang pormal na Oath Taking ng mga Opisyales at mga empleyado na hudyat ng kanilang pagkakatalaga at pagsisimula ng kanilang mga trabaho na nakabatay sa kanilang mga job description sa bawat departamento kung saan sila naitalaga.

 

  Sa kabuoan masasabing ang pagpapatupad ng Reorganisasyon ay tagumpay ng mga empleyado lalo na para sa mga Job Order at Contractual employees na matagal ng nagtratrabaho sa Pamahalaang Lunsod na naghihintay na sila ay ma-regular at kaakibat nito ay nabigyan sila ng pagkakataon at kasiguruhan sa kanilang trabaho. Para naman sa mga regular na empleyado na na-promote sa kanilang mga bagong posisyon ay malaki din ang kanilang pasasalamat dahil sa loob ng matagal na panahon ay sa wakas ay tumaas din ang kanilang  mga posisyon.

 

  Ang Reorganisasyon sa Pamahalaang Lunsod ng Calamba ay masasabing indikasyon at patunay ng kaunlaran ng Lunsod ng Calamba at sa pamamagitan nito tayo ay umasa na lalo pang uunlad ang ating Lunsod sapagkat gaganda at bibilis ang serbisyo publiko na kinakailangan ng ating mamamayan dito sa atin at maging sa mga nagnanais mamuhunan ng kanilang mga negosyo sa ating Lunsod.

 

  Kaya sa lahat ng departamento at ahensya ng ating Pamahalaang Panlunsod na naging instrumento   upang maikasakatuparan ang Reorganisasyon ay binabati po namin kayo ng isang job well done sa tagumpay nating ito, MABUHAY po Kayo, at MABUHAY tayong lahat!—M. RAMIRO


 

 

 
Webcalamba.ph

Members Login

Popular Businesses