Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Category Table 2009 CITY BUDGET NG CALAMBA, Sandigan May 2009 Issue

2009 CITY BUDGET NG CALAMBA, Sandigan May 2009 Issue

E-mail Print PDF

 2009  CITY  BUDGET  NG  CALAMBA


Matapos ang halos limang buwang pagka antala ng pag-apruba ng taunang budget ng lungsod ng Calamba ay naipasa na sa Sanggunian Panglungsod (SP) ang ordinansa na nagtatakda ng halos 1.3 Bilyong pisong Annual Budget para sa alokasyon ng pondo para sa mga serbisyo para mga mamamayang Calambenyo.  Sa sesyon noong ika-25 ng Mayo ay binigyang diin ni Konsehal Joe Pradas, Chairman ng Committee on Approriation, Budget and Finance, na hindi na dapat pang mabinbin ang pagpasa ng budget dahil ang mga mamamayan mismo ang labis na naaapektuhan nito.  Ayon kay Pradas ay may 379 na mga Job Order employees ng SP ang hindi pa nakakatanggap ng sahod, at halos 1,080 na mga Barangay Tanod ang hindi pa nabibigyan ng kanilang monthly allowance simula pa noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon, bunsod ng hindi pa pag-apruba ng budget.  Subalit nilinaw din ng Konsehal na bagamat may mga pag-aaral at mga pag-uusap pa na dapat gawin hinggil sa mga alokasyon sa budget dahil sa nais ng SP na ibigay ang lahat ng maganda para sa mga mamamayan ng Calamba, ay kinakailangan namang tugunan na ang kanilang mga pangangailangan.

 

Hiniling naman ni Konsehal Christian Nino Lajara na sana’y huwag isisi sa Sanggunian ang pagka-antala ng pagpasa ng Annual Budget, sinabi ng Konsehal na ginagawa lamang nila ang kanilang mga tungkulin na matiyak ang kapakanan ng mas nakararami, sa bawat ordinansang ipapasa nila.  Nilinaw pa ni Konsehal Lajara na kung naging on-time sana ang pagpasa sa kanila ng Executive Budget ay maaaring mas maaga naresolba ang usapin tungkol dito, nanawagan din ang Konsehal na kung magagawa sa susunod na taon ay maisumite sa SP ang Executive Budget sa takdang panahong itinatakda ng batas para sa kapakanan ng mga mamamayan.

 

Nagpalakpalakan ang mga J.O. na present sa sesyon nang pormal na idineklarang aprubado ang budget ni Vice Mayor Pursino Pruga, Presiding Officer ng SP.  Bukod dito ay malugod ding binanggit ang mga “magandang balita”:

  • --8 milyong pisong pondo para sa Burial
  • --10 milyong pisong pondo mula sa Executive Department na nailipat sa Cooperative and Livelihood
  • --20 milyong pisong pondo mula sa Executive Department, nailipat sa Waste Management & Sanitation Dept.
  • --Paglikha sa Local Housing Board

Ang mga ito ay bunga ng masusing pag-aaral at pagtalakay sa pagitan ng mga Konsehal at ng Punong Ehekutibo.

 

 

 

 
Webcalamba.ph

Members Login

Popular Businesses