Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Category Table GOOD GOVERNANCE, Sandigan February 2009 Issue

GOOD GOVERNANCE, Sandigan February 2009 Issue

E-mail Print PDF

“GOOD GOVERNANCE”         

--Councilor Christian Niño S. Lajara


Ang Good Governance para sa amin ay participatory, consultative, accountable, transparent, responsive, effective and efficient, equitable and inclusive and follows the rule of law.  Sophisticated people will say that government and official are dull in the Philippine”.  Bakit nga ba tila yata wala nang tiwala ang tao sa atin?  Siguro ay kasalanan din natin…

 

  It is the manner of how the government implement, secure and understand the agenda of the people that encompasses their social and economic needs.  Kaya ba nating sabihin na pinangalagaan natin ang seguridad ng tao?  Oo, sa palagay ko kaya nating sabihin ‘yan, kaya lamang ay still, it will be considered as moro-moro at walang kaseryosohan.   Dahil we still act immaturely. Just recently,  the Sanggunian Panlungsod considered the budget without any basis. While the Executive prepared the budget without any consultation from the concerned parties.  I am referring to the 20% Special Development Fund.  Ang bagay na ito ay may kahalagahan dahil ito ang palaman sa tinapay upang sumarap.  Kaya lamang, can we still consider the Development Plan of the City Government adaptable to the present situation?  Remember that the existing DP was formulated during the time of Mayor Lajara and the City Government    at present is 2 years behind to access and formulate a new DP.  Muli  ay babalik ako sa mga dating katanungan, papaano ba tayo tumutulong sa ating kababayan?  Good Governance is empowerment.  The City  Government has  various departments that take care of different functions that deemed necessary to the people, for example CENRO.  It is the Department of the City Government that takes care of the Environment and Natural Resources.  Their job is to check, maintain, secure, and develop programs in the aspects of environmental protection.  Kaya lamang ano ang programa nila para maisagawa ang mga misyong itinalaga para kanilang gampanan?  For instance, Can CENRO identify where the pollution in our waters actually coming from? Or can CENRO have the technical capability to say that the air in Calamba is clean? Did CENRO had implemented measures to help the fisherfolks? Is the CENRO well-equipted, well -funded and technically sound? In short, does the Mayor empowers his down-lines so they can carry-out this duties?

 

  Good Governance is empowerment, may kakayanan nga ba ang bawat departamento sa City Government para trabahuhin ang resposibilidad na naka-atang sa kanila?  Sa bagay na ito ay babalik tayo sa sitwasyon ng DA (Department of Agriculture).  Last year, less than 1% ang budget ng department na ito, kaya walang maibigay na maayos na programa, if you are talking about Good Governance you should empower your different departments, and let them do their job in line with the DP!

 

  Good Governance is participatory. Ownership empowers individuals for being part of the program. Dito sa bagay na ito may kinakailangan tayong tingnan, kung kasama pa ba natin ang mga sektor na may interes sa programa o ang programa ay basta na lamang natin isinusubo sa kanila na wala man lang konsultasyon sa kanila, maaari nga na kailangan nila ng programa na isinusubo ng Pamahalaan ngunit hindi naman ito ang kanilang i-paprayoridad na pangangailangan. Halimbawa  ay ang pagbibigay ng tulong sa ibat-ibang sports solicitation.  I am not saying that this is wrong...But does the Chief Executive consider developing a program for sports development?muli  ay tingnan natin ng malalim...

 

  Kamakailan lamang, sa opisina ay may nag-solicit  na chess team na lalaban daw ng para sa championship... Aba!  Sabi ko sa kanila... “Kailangan ninyo pa bang mag-solicit, eh dapat alam ng Sports Division Office ang gagawin nila d’yan at dapat may nakalaan ng fund para d’yan...”

 

  If the Local Chief Executive is really saying na pinapahalagahan nila ang Good Governance...Where is his Development Program in sports that will support and maintain our athletes?

 

  Good Governance is effective and efficient.  Are we effective or defective? Are we efficient or deficient? How effective are we in responding on the issues of the people?  One issue of the people of Calamba is POVERTY. 

 

  Papaano nga ba natin binibigyan ng kahalagahan ang isyung ito?  One issue addressed by the Development Plan of Calamba was housing and settlement, and they ensure that by 2015 there will be no squatters in any part of Calamba, but from where I am standing, this target will not be met.  Ito ay sapagkat tila hindi yata prayoridad ng Local Chief Executive ang bagay na ito at wala yatang sumusunod sa ehekutibo sa Development Plan.  Yes!  Sinasabi namin na walang seryosong programa ang Pamahalaang Lunsod tungkol sa kahirapan dahil sa kawalan ng Baseline Data patungkol sa mahihirap. Yes!  Sinasabi namin na masyadong malawak ang Development Plan ngunit ang pagdi-detalye nito ay trabaho ng pamahalaang lunsod at kung hindi maididetalye ito at hindi makakaipon ng mga datos para masuportahan ang  programa upang makasunod sa Development Plan.  Hindi ito magiging epektibo.  Minsan ay nagkausap ang ibat-ibang sangay ng Pamahalaan patungkol sa pamamahagi ng lupa sa patay na riles ng PNR, para sa akin, maganda ang intensyon upang magkaroon ng sariling lupa ang mga taong nakatira sa tabi ng riles.  Ngunit sa isang banda ay nagtanong ako sa aking sarili…

 

  Kung ito ay patay na riles at ipapamahagi ang lupa at magiging parte ng komunidad ay responsibilidad ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng maayos na serbisyo, ngunit papaano magkakaroon ng maayos na serbisyo ang Pamahalaang Lunsod kung ang daan dito ay daang tao lamang at ang bihikulo ay hindi makakalusot?

 

  Alam naman po natin na karamihan ng nakatira dito ay mahirap at target ito ng kriminalidad, papaano mabibigyan ng seguridad ng ating kapulisan ang komunidad kung ang daan dito ay hindi maayos?  Kung halimbawang magkasunog, papaano reresponde ang ating bumbero?  Papaano ang mahihirap nating mamamayan sa panahon ng emergency?  Papaano ang kanilang drainage?  Nakakaawa naman sila kung aaprubahan ng ating ehekutibo ang bagay na ito nang walang programa ng mga serbisyong nabanggit sa itaas?  Siguro mas magandang ihanap na lamang sila ng ibang lokasyon na magiging kaayaaya sa kanila...Bara-bara na lamang ba talaga at hindi pinag-aaralan ang mga mahahalagang bagay na katulad nito?

 

  This year, we are facing a troubled economy resulted from unregulated interest of American to their economy.  One solution of our National Government to address the issue of recession is to increase the budget of public works to ensure that money is flowing to the poor sector and other identified sectors affected by the recession.  This formula was adopted from the US, it was formulated during the early Depression.  But how could our Local Government do its share?  Puwede ba nating gayahin ang National Government na taasan din ang pondo sa infrastructure projects?  Tingin ko po sala na diskarte po ng Local Government kung gagayahin ito, dahil ang pondo po ng National Government ay trilyong piso, samantalang ang lokal na pamahalaan po ay 1.7 Bilyon lamang at estimate lang po iyan ngayong 2007.  Sa tingin po namin, livelihood program ang pinakamaganda at iyan naman ang sinasabi ng ating Local Chief Executive, kaya lamang kinakailangang maging malinaw at hango sa prinsipyo ng Good Governance.

 

  Ipinapaalaala po namin na marami pong mawawalan ng trabaho ngayong 1st and 2nd quarters  ng 2009 at sa bagay na ito ay hindi pa kinukumusta ng Chief Executive ang industrial sector, kung gaano na nga ba karami ang apektado sa Calamba.  Ang malaki pong katotohanan ay buong mundo po ang apektado ng recession at maraming kumpanya ang talagang magbabawas ng trabahador. Ang sinasabi lamang po namin ay maging detalyado ang programa na ipatutupad ng Lokal na Pamahalaan sa isyu ng recession at kahirapan.—CNL

 

 

 
Webcalamba.ph

Members Login

Popular Businesses