Calamba City Laguna Philppines Business Directory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Category Table SIYENSIYA AT PULITIKA, Sandigan February 2009 Issue

SIYENSIYA AT PULITIKA, Sandigan February 2009 Issue

E-mail Print PDF

Siyensiya at Pulitika

    

Patuloy ang mabilis na pag-usad ng panahon, kasabay nito ang pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya kagaya halimbawa ng mga high-tech na cellphones, computers mga gamit sa audio/visuals at mga kakaibang gamit sa teleconferencing.  Sa pag-aaral ng agham ng pulitika sa puntong akademiya ay masasabi ba nating makabago na ang approach ng pagtuturo sa ating mga mag-aaral ng pulitika?  Nakaka-angkop ba sila sa mabilis na pag-usad ng mga makabagong agham at teknolohiya?  Ilan lamang ‘yan sa maraming katanungang naglalaro sa aking kaisipan.

 

Sa pag-aaral ng batas lalo na sa Kodigo Sibil ng Pilipinas na hango sa teksto ng Spanish Civil Code, para sa akin ay marami nang kailangang amyendahan ang ating mga mambabatas sapagkat hindi na ito angkop sa ating makabagong panahon.  Sa mga mauunlad na lungsod kagaya ng Makati, Marikina, Puerto Prinsesa, Davao at Olangapo ay mapapansin na makabago, hands-on at teknikal ang approach ng mga lokal na ehehukatibo sa pagpapalakad ng kanilang Pamahalaan. Dahil dito ay masasabi ba nating marami pa din ang mga tradisyunal na pulitiko?  Ang sagot ko...Oo!.

 

Kung pag-uusapan natin ang good governance at pagbibigay ng mga basic services at needs ng mga tao, bibihira pa rin sa ating mga pulitiko ang nakakatalima dito, ni-initiative bibihira talaga.  Napakahalaga talaga ng mga bagay na ito, we should be competitive enough to meet the demands of the future.  Walang masama sa mga tradisyunal na politician as long as ginagawa nila ang responsabilidad na ipinagkatiwala sa kanila ng mga bumoto sa kanila, otherwise mag-iisip-isip kayo pagdating ng eleksyon.  Hindi rin natin puwedeng sabihin na technical know-how lang ang kwalipikasyon ng isang magaling na pulitiko, siyempre kailangan pa rin ang katapatan sa paglilingkod sa bayan.  At kapag napapag-usapan ang katapatan ng isang pulitiko, hindi ko makalimutang maibahagi ang sinapit ng “Mahal na Prinsesa” sa kuwento at panulat ni Ka Amado V. Hernandez (Ama ng Panitikang Pilipino), ang “Sa Kaharian ng mga Surot” (Walang Lunas).  Hayaan po ninyo akong maibahagi ng maigsi ang kuwentong ito:

 

Noong unang panahon sa isang kaharian, dumanas ng matinding karamdaman ang mahal na prinsesa, sa pag-aalala ng mahal na Hari at Reyna ay ipinatawag ng Hari ang mga magagaling na manggagamot ng kanilang kaharian at maging sa mga karatig na kaharian.  Kung sino man ang makakapagpaggaling sa mahal na prinsesa ay makakatanggap ng malaking gantimpala.  Ngunit sa lahat ng dumating at sumuri sa mahal na prinsesa ay nabigo na ito ay mapagaling.  Isang araw, may dumating na isang pantas buhat sa isang malayong kaharian na naghatol at nagsabi na ang pagsalin ng dugo ng isang TAPAT na PULITIKO ang siyang makapagpapagaling sa mahal na Prinsesa.  Sa pagnanais na gumaling ang mahal na prinsesa ay nag-isip ang mahal na Hari kung papaano makakakuha ng dugo ng isang tapat na pulitiko. Ipinatawag niya ang kanyang Punong Ministro at inutusan ito na magpakalat ng mga SUROT sa mga TEATRO.  (Noong unang panahon makikita ang mga tanyag at kilalang pulitiko sa mga teatro dahil wala pa noong mga telebisyon at sinehan) upang sumispsip ng dugo ng isang tapat na pulitiko.  Ngunit matapos makakuha ng mga dugo sa mga pulitiko at subukang maisalin ng paisa-isa sa mahal na Prinsesa ay lalong nanghina at nang maglaon ay namatay ang mahal na Prinsesa.

 

Sa panahon ngayon at nangangailangan pa din ng dugo ng isang TAPAT na Pulitiko ang mahal na Prinsesa para siya ay gumaling sa kanyang malubhang karamdaman, sa tingin niyo gumaling pa kaya ang Mahal na Prinsesa?--Marlon Ramiro

 

 

 

Last Updated on Friday, 19 February 2010 05:55  
Webcalamba.ph

Members Login

Popular Businesses