Get Adobe Flash player

Promote Your Business!

Please update your Flash Player to view content.

Popular Business

CCPC Sumusuporta sa Pagkondena sa Brutal na Pagpaslang sa Mediamen sa Maguindanao

Ikinalungkot ng pamunuan ng Calamba City Press Corps (CCPC) na kung saan sinusuportahan nito ang ginawang pagkondena ng National Press Club (NPC) at National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa karumal-dumal na pagkakapaslang sa dalawamput apat (24) na mediamen sa Maguindanao.

Ayon pa sa pamunuan ng CCPC, sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba maging sa Laguna ang mga kaso ng media killings o extra-judicial killings sa buong lalawigan. Ang kaso ng mamamahayag at kolumnistang si Noel Villarente na binaril sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna ay hindi pa rin umuusad magpahanggang ngayon.

 Nananawagan ang pamunuan sa lahat ng mediamen sa Laguna na magsuot ng itim na damit at arm band bilang simbolo o patunay ng kanilang pagsuporta sa [agkondena sa brutal na pagkakapaslang sa mga kasama nilang mediamen sa Maguindanao at maging sa lalawigan ng Laguna.

 Pinaalalahanan ng CCPC ang lahat ng ahensya na pamahalaan lalo na ang Law Enforcement body, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at maging ang Department of Justice na bigyan ng prayoridad ang pagusad ng kaso ng media killings.

27 November 2009

 

Join our mailing list

Calamba.ph Newsletter


Receive HTML?

Hurry!!! advertise now!

Please update your Flash Player to view content.

Tell Your Friends

SocialTwist Tell-a-Friend