Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAGHAHALAL NG BARC CHAIRMAN NG CANLUBANG WALA PA RING LINAW

  • PDF

Sa pulong ng Komite ng Agrikultura sa pamamagitan ng Tagapangulo Konsehal Niño Lajara ay binigyang-daan ang kahilingan ng mga taga Canlubang na magkaroon na ng BARC (Barangay Agrarian reform Council) Chairman ang kanilang lugar.  Sa muling pagbuhay sa probisyong ito ng RA 9700 na magtatakda ng BARC Chairman sa bawat barangay na siyang mamamagitan sa mga problema ng mga magsasaka at mga isyu tungkol sa agraryo, ay magpahanggang ngayon ay walang linaw kung magkakaroon ang Canlubang ng sariling Chairman.  Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Tanggapan ng Agrikultura at Municipal Agrarian Reform Office (MARO).


Ayon kay Mang Pabling, isa sa mga kinatawan ng KASAMAKA-CANLUBANG, mahalagang bagay para sa kanila na magkaroon ng BARC Chairman ang Canlubang dahil isa sa mga naging pagkakamali na nangyari ay nang ang Barangay ay naglabas ng sertipiko na UNTENANTED o walang tao sa Canlubang.  At ito naman ay ginamit na batayan ng mga malalaking developer upang makakuha ng development permit.  Samantalang ang BARC Chairman ang may karapatang mag-issue ng sertipikong ito at hindi ang Barangay.  Dahil dito ay lalong naging mahirap at masalimuot ang kanilang laban para sa karapatang manirahan sa Canlubang.  Kung magkakaroon ng BARC Chairman ay mapawawalan ng bisa nito ang naturang sertipiko.


Nilinaw naman ng MARO na sa bagong  RA 9700, lahat ng barangay ay dapat magkaroon ng BARC, hindi katulad ng dating batas RA 6657 na tanging ang mga barangay na may agricultural land holdings lamang ang tatakdaan BARC Chairman.  Ipinaliwanag din ng MARO na hindi makapag-organize ang kanilang tanggapan ng BARC para sa Canlubang dahil kinakailangan ng Agrarian Reform Beneficiaries na kung saan ay wala nito ang Canlubang.  Isang malaking isyu ang klasipikasyon o gamit ng lupa upang ito ay maging saklaw ng CARP, kailangang ang gamit ng lupa ay purely agricultural. 

 

Sa kasalukuyan ang Canlubang ay nakaklasipika sa gamit na mixed use, bagamat mayroong 200 ektarya dito ay sinertipikahan ng Punong Lungsod na Agricultural Development Zone.  Sa isyung ito ay ipinabatid ng Tagapangulo Konsehal Lajara na naghain na ang KASAMAKA ng petition for mandamus sa regional trial court upang humiling na itulak ang kagawaran na magpa-eleksyon na sa Canlubang ng BARC Chairman.


Sa huli ay ipinahayag ng Tagapangulo na hihintayin na lamang ng mga taga-Canlubang na ang korte ang magresolba ng isyung ito.


RELATED ARTICLES:

 

 

carp

Add comment


Security code
Refresh