Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: POSSESSORY RIGHTS NG MGA TAGA-CANLUBANG KINIKILALA NG KORTE

  • PDF

 

Magmula pa noong taong 2001 ay naglabas na ang korte ng desisyon sa isang kasong sibil (RTC CIVIL CASE NO. 2898-2000-C) na isinampa ng mga lider ng samahang  KASAMAKA Canlubang laban sa mga Yulo hinggil sa karapatan sa lupang Canlubang.

 

Sa dokumentong naglalaman ng pinal na desisyon ng korte ay lumalabas na nagkasundo ang dalawang panig na ma-DISMISS ang kaso sa kasunduang hindi magkakaroon ng ejectment o demolisyon ng mga taga-Canlubang hangga’t walang judicial process na magaganap, na kung saan ay kinakailangan munang magfile ng tinatawag na “Accion Publiciana” ang mga Yulo at patunayan ang kanilang pagmamay-ari sa lupa sa pamamagitan ng paglalabas ng mga titulo.

 

Ayon sa isa sa mga abugado ng KASAMAKA, ang desisyong ito ay nagpapakita ng pagkilala ng korte sa Possessory Rights o karapatan ng mga kasapi ng samahan sa lupang Canlubang dahil sa katotohanang panahon pa ng digmaan ay naninirahan na ang mga taong ito sa lugar.  Paliwanag pa ng abugado, mayroong tinatawag na possessory rights o karapatang mag may-ari ang isang naninirahan o tenant ng isang lupa at sa kasong ito ay malinaw na napatunayang matagal na ngang nabubuhay sa barangay Canlubang ang mga kasapi ng samahan.

 

Nakapagtataka lamang na  sa kabila ng hatol na ito ng korte ay nakabalita tayo ng mga insidente ng demolisyon at mga pananakot sa mga residenteng naghahabol sa lupa gayong hindi sila maaaring basta na lamang paalisin.

 

Nakapagtataka lamang na sa dami ng dokumento at mga katunayang hindi squatter ang mga kasapi ng KASAMAKA sa lupang Canlubang at sila ay lehitimong anak ng Calamba ay wala silang nakukuha o nararamdamang suporta mula sa lokal na pamahalaan.  Manapa ay tila nagiging kasangkapan pa ang ilan sa mga nasa pwesto na sila ay palayasin sa kanilang tirahan.  Ilang development permit na ba ang naaprubahan ng Ehekutibo at Sanggunian Panlungsod na nagpapahintulot sa mga Land Developers na magtayo ng magagarang subdibisyon sa Canlubang, habang wala namang malinaw na plano ng relokasyon at kabuhayan sa mga pamilyang maaapektuhan?  Matatandaang inihabla din ng samahan ang Punong Ehekutibo sa tanggapan ng Ombudsman dahil dito.

 

Nakapagtataka lamang na sinasabi ng lokal na pamahalaan na wala itong magagawa sa problema ng kawalan ng serbisyo ng kuryente at malinis na tubig sa Canlubang dahil ito raw pribadong pag-aari.  Sa desisyon ng korte noong 2001, walang maaaring magsabi na squatter ang mga taong ito.  Tama ang sinabi ng isa sa mga lider ng samahan “Sasabihin n’yong kami ay squatter, pero pagka eleksyon ay napakalaking boto ang kinikuha nyo sa ‘min!”  Ang kawalan ng mga basic social services sa barangay Canlubang ay maaring ituring na harassment para sila ay umalis na lamang sa lupa.  Subalit ang tanong, sa hindi pagkilos ng lokal na pamahalaan sa mga isyung kinakaharap ng mga taga Canlubang, hindi ba ito nagpapakita ng pagsang-ayon ng mga nasa pwesto sa ginagawang pagpapahirap sa mga tao?  Nagtatanong lamang.---J.JACINTO

 

RELATED ARTICLES:

poster


Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

 



Last Updated on Tuesday, 10 May 2011 13:05

Add comment


Security code
Refresh