Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DIYALOGO SA KURYENTE NG CANLUBANG, GINANAP

  • PDF

Matapos ang mahigit dalawang daang araw na kawalan ng kuryente sa Barangay Canlubang, nakipagdiyalogo na rin ang Pamahalaang Panlungsod sa mga mamamayang apektado nito, Pebrero 28.

Ginanap ang nasabing diyalogo sa Carmel Mall, Canlubang na dinaluhan ng mga lider ng mga residente at ilang mga mamamayan, mga kinatawan ng Meralco at Public Order and Safety Office Chief Eufrocino Guerrero.

Pinarating ng mga mamamayan ang hirap na dinadanas nila sa matagal ng kawalan ng ilaw, partikular na kapag sumapit ang gabi.

Malabo pa rin naman ang sagot sa kanila ng kinauukulan dahil problema pa rin ang pagiging pag-aari ng pamilya Yulo ang malaking lugar sa nasabing baranggay. Kinakailangan pang humiling ng right of way ang Pamahalaang Panlungsod upang makapagkabit ng mga poste at kawad ng kuryente ang Meralco.

Ang Meralco ang pinakaposibleng makakapagsupply ng kuryente sa Canlubang dahil ito ang pinakamalaking distributor ng ganitong serbisyo sa bansa.

Sa ngayon, ilang mga institusyon na ang nakabitan ng Meralco sa loob ng baranggay katulad ng St. Joseph the Worker Parish, Sta. Cecilia Catholic School Foundation Inc., at Canlubang Elementary School.

Wala pa ring kuryente ang malaking bahagi ng Canlubang hanggang sa kasalukuyan.

poste

Add comment


Security code
Refresh