Naghain ng kasong paglabag sa Section 3(e) R.A. 3019 ang mga lider ng mga samahan ng mga dating manggagawang bukid sa Canlubang, laban kay Calamba City Mayor Joaquin Chipeco Jr. sa Tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City.
Ayon sa sinumpaang salaysay ng mga complainant ay nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan si Mayor Chipeco dahil sa pag-apruba nito sa mga Development Permit ng Avida Land Corporation at Vesta Property Holdings Inc. habang dinidinig ang kanilang petisyon sa korte. Matatandaang noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon ay naghain ng isang class suit ang lahat ng mga magsasaka at manggagawang bukid ng Canlubang laban sa Pamahalaang Bayan ng Calamba, Vesta Property Holdings, Inc., Avida Land Corporation at Diezmo River Realty Developement Corporation. Ang nasabing class suit ay petisyon sa hukuman upang magkaroon ng deklarasyon ang korte na ayon sa Section 31 at 32 ng Calamba City Ordinance No.256, series of 2000, ang lupa sa buong Canlubang ay ikinalasipika na pang-agrikultura at dapat na masakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Sa ordinansang ito ay isinasaad na ang lahat ng uri ng gamit ng lupa, mula industrial hanggang agricultural ay maaaring igawad sa Canlubang. Subalit sa sertipikasyon na pirmado ng Mayor ng Calamba ay hindi isinama ang uri ng gamit na agricultural, na ito naman ang pinagbatayan ng Avida Land at Vesta Property sa pagpapatibay ng kanilang posisyon na noon ay dinidinig sa korte.
At noong Enero 2010, kasabay ng pre-trial sa petisyon ng mga taga-Canlubang ay pinirmahan ni Mayor Chipeco ang lahat ng aplikasyon para sa Development Permit ng Avida at Vesta para sa pagpapatayo ng mga subdivision sa Hacienda Yulo. Ang mga nilagdaang Development Permit naman ang ginawang batayan ng mababang hukuman para ma-dismiss ang petisyon ng mga magsasaka. Kaagad naman silang nag-apila sa Court of Appeals kung kaya’t naninindigan ang mga compalinant na sa isyu na kung ano ang tunay na gamit ng lupa sa Canlubang ay wala pang finality. Binigyang-diin pa ng mga magsasaka na sa ginawang ito ng Mayor ay hindi maiiwasang isiping nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ni Mayor Chipeco at ng Avida at Vesta.
Bukod sa Mayor ng Calamba ay kasama ring inihabla ang lahat ng miyembro ng Board of Directors ng Avida land Corporation at Vesta Property Holdings, Inc.***
| RELATED ARTICLES: Hacienda sa Canlubang: Ang Nakaraan at Ang Kasalukuyan Ang Sigaw: Ibalik ang Moratorium sa Lupain ng Barangay Canlubang!
Views on Moratorium in Canlubang: According to the Mayor,Vice Mayor and the Sanggunian Panlungsod Pagkitil sa Kabuhayan ng mga Coconut Farmers sa Sitio Buntog, Napigilan Buntog: Katiwasayan Kailan Makakamtan! Calambeño blog: Rikit sa Nagniningas na Galit (Ang Mukha ng Buntog) |
You might want to read these articles:
MANGGAGAWANG BUKID NG CANLUBANG, IPINAGTANGGOL NI KONSEHAL NIÑO LAJARA
Isang Lingon, Sampung Hakbang Pasulong
Calamba City Mayor Chipeco, Former Vice-Mayor Pursino Oruga at 11 iba pang sangkot sa 26M Scam, Kinasuhan sa Ombudsman
26 Milyong Scam sa Calamba..26 Milyong Scam sa Calamba
RELATED VIDEOS:

Last Updated on Wednesday, 26 October 2011 05:31